Tuesday, April 7, 2009

Bakit Ikaw

Ilan araw at linggo ang lumipas
Minsan ma'y alaala mo hindi kumupas
Kahit ilang ulit ko pangpilitin
Ikaw parin ang nanaising mahalin

Dumating ka ng hindi ko inasahan
Nang ang puso'y hindi handang masaktan
Ngunit ikaw ay aking hinayaan
Kahit ang puso'y iniwan mong sugatan

Hindi ko ginustong lumayo sayo
At sikaping tanggalin ka sa isip ko
Ngunit bakit ikaw parin sa aking paggising
Mga alaala mong bumabalik sa akin
Hindi ko ginustong lumayo sayo

Ngayo'y mga mata ko'y lumuluha
Kahit isipin kong hindi mo sinadya
Ang masaktan ako'y di mo ninais
Ngunit heto ako tumatangis

Hapdi ng sugat sa puso ko
Bakit di ko magawang paghilumin ito
Pero nais ko lang malaman mo
Mahal kita iyon ang totoo

Bukas haharapin ko na buhay ko
Na wala ka sa piling ko
Bukas hindi na kita iisipin
Tatangapin ko nang hindi ka sakin



-written Feb 14, 2009,
unang tagalog ko na tula.. request ni mhy gagawin ata itong song meron na actually demo si kamotekid thanx

may version na si KK eto oh..
http://www.imeem.com/people/wZttaJ/playlist/CK3_b9Q3/sesc-music-playlist/
yan din soundtrip ko sa blog ngayon hehehe..

No comments:

Post a Comment