Saturday, August 15, 2009
Dahilan
Marami na ko nasaksihan na mga tagpo na parang kinopya sa pelikula, madrama, maaksiyon at minsan nakakatawa. Ngutin nagyari sa totoong buhay, nakakawindang. Nang dahil sa alak, eto ang ilan.
Meron eksena noon sa tambayan, sinampal ng isang girlaloo ang isa pang girlaloo dahil sa inagawan, nilandi, ang syota niya. Nagwawala si girlaloo #1, sinigaw sigawan, dinuroduro at minura si girlaloo #2, inawat ni boylet, ayun nasampal si boylet ng bonggang bongga. Nabuko siya ng di oras nang dahil sa alak.
Ung huling labas namin may nakita naman kami, si ate sumusuka habang umaandar ung sasakyan nila, nasa passenger seat siya, bukas ung pintuhan umaandar ng madahan ang sasakyan, nakakaloka, ayun kiber sa kahihiyan, nang dahil sa alak.
Sa hindi ko mawaring dahilan takaw gulo rin ang mga nagiinom, may nagkakapikunan na nauuwi sa sampalan, suntukan, bugbugan, tadyakan, saksakan at barilan. Riot, dusko madugo ito, nakaabot sa presinto, nang dahil sa alak.
Ngunit subalit datapwat marahil, hindi naman puro masama o pangit ang mga pangyayari ang dulot ng alak, may positive parin. Marami nang nagkabati at nagkaayos na magkakaibigan. Nagkakausap ang matagal nang hindi nagkikitang magbabarkada sa isang group text lang ng "tara inom tayo sa biyernes". Napapangiti ang mga taong depress at may problema sa buhay pag sumipa na ang pulang kabayo. Lahat yan napatunayan kong totoo at nagyayari sa totoong buhay hindi sa tv lang. Kakaiba nga talaga ang epekto ng alak sa tao.
Sabi nila kausapin mo ang taong lasing o nakainom at panigurado lalabas ang totoo. Painumin mo ng alak ung tatahitahimik na tao at makikita mo kung gaano talaga siya katarantado, kasama si San Miguel. Babangka ang dating kiming babae sa isang sulok pagnakashot na at sinaniban na ni Sta. Tequila.
Pero may bahagi paring napapaisip ako. Dito - "sabi nila kadalasan pag lasing, dun raw nakakapagsabi ng totoo ang isang tao, lumalabas ang mga sikreto at mga sama ng loob. Dito napapawi ang sakit nanararamdaman at nakakapagdulot kahit panandaliang kaligayahan."
Sangayon ako dito, totoo naman kase. Pagnakainom ka at marami ka kausap na barkada nakakalimutan mo ang mga gumugulo sa utak mo, mga problema at ung mga kirot na nararamdaman mo. Parang anesthesia ang alak, mapapamanhid nito ang pakiramdam mo, makakalimutan ang hapdi ng paghihirap ng loob mo, pero paglumaon at wala na ung tama ng espiritu na sumapi sayo, balik ka ulit sa dati. Hindi kase ito ang lumas pero nakakatulong parin kahit papaano, kahit sandali.
Nagagawa rin nitong ilabas lahat ng nasasaloob mo, sabi nila nakakalakas daw kase ng loob, pagnakainom ka na. Ung mga bagay na hindi mo nasasabi sa iba at kinikimkim mo lang ng pagkatagal tagal eh nasasabi mo na lang ng biglaan. Nawawala ang hesitasyon, pagaalinlangan at inhibisyon. Yung tipong kahit na yung pinakatorpeng lalaki, pagnasapian ng espiritu ni Giner, kulang na lang eh alukin ng kasal ang kanyang sinisinta. Yung mga babaeng pakipot pa, ayaw gumawa ng move sa para mapansin ng lalaking gusto nila, pagbinuyo na ni Margarita, bibigay din.
Meron naman nagsabi na paglasing ka eh hindi mo alam kung ano ang ginagawa o sinasabi mo. Hmmm.. Dyan ako hindi masyadong kumbinsido. Ang alam ko kasi, alam parin ng tao ang ginagawa o sinasabi niya kahit lasing na, ang kaso lang, kadalasan hindi mo na mapigilan ang bawat galaw mo at ang kadaldalan mo, kaya ginagawa na lamang iyan dahilan.
Kaya napaisip ulit ako, hindi kaya iyan din ang posibleng dahilan kung bakit lumalakas ang loob ng isang tao, hindi dahil sa epekto ng alak, kundi ang kakabit nitong, maari mong gawing dahilan sa kung ano mang pwede mo gawin o sabihin? Nang dahil sa alak.
Thursday, August 13, 2009
Usapan
Nandyan na ung payabangan, "Yan si Myrna kaunting bola na lang mapapasagot ko rin yan. Anu pa ba hahanapin niya sakin, magandang lalaki na ako may matino pang trabaho". Kamukatmukat mo hanggang ngayon wala parin siya syota.
Pagalingan, "Oy, pare wag mo na pagawa ung radyo ninyo sa electrician dalin mo na lang sa bahay bukas, kaya ko ayusin yan hik!" Pagdaan mo naman sa bahay nila kinabukasan makikita mong nakakalat ung mga piyesa ng radyo sa sala idamay mo pa ung elesi ng electric fan sa sahig na pinaglalaruan ng bunsong anak niya.
Payamanan "Mga pare, anu bang magandang sasakyan ngayon, nakakuha kase ko ng bonus sa opisina, ibibili ko ng bago kotse papalitan ko na ung luma ko." Sagot ng kainuman "Pare anu ba ung luma kotse mo? Sandali may kotse ka ba?"
At ang walang sawang kumbinsihan na hindi pa lasing, "Di pa ko lasheng, tara inom pa tayo, tagay hik!" sabay lakad ng pagewang-gewang dahil maiihi o masuka. At pagkatapos maririnig mo na lang na naghihilik sa upuan sa isang sulok.
Minsan pa mauuwi yan ang huntahan sa pagtatalo, sa away at gulo, nagkakasakitan pa kung minsan. Pero pagnag-abot ka na ng tagay eh ayos na ulit, bati bati na, tuloy ang inuman at kwentuhan. Parang walang nasakatan, walang pagtatalo, walang nagyaring gulo.
Hindi maiiwasan ang hindi pagkakasundo kahit pa mababaw lang ito, hindi maaalis na magkasalungat ng bawat isa, sa mga panananaw, gawi at opinyon. May kanya kanya tayong ugali, walang dalawang tao ang magkapareho. Bawat isa sa atin, iba.
Yan ang madalas na dahilan kung bakit may nagkakainitan ng ulo. Madalas hindi nagkakatugma ang sa nais ang dalawang tao sa isang bagay. At dahil ni isa sa kanila ay ayaw magpatalo at ni ayaw pakingan ang bawat isang, mas lalong walang mangyayari, lalaki lang at hindi matatapos ang pagtatalo.
Kahit mahirap, minsan mas mabuti ang manahimik muna at makinig kesa sa salubungin ang init ng ulo. Hindi ba mas malalala ang resulta pagnagkabangaan ang dalawang humaharurot na sasakyan? Kadalasan walang nakakaligtas. Pero mahirap din naman magpigil ng galit kase pagnapuno yan kung hindi aapaw, siguradong sasabog. Ang gulo diba? Pero tingin ko, dapat lang natin matutunan ang makinig at magisip muna bago magsalita. Ang kontrolin ang galit at emosyon. Ang maghinayhinay sa bawat salitang binibitawan. At magpaubaya paminsan minsan.
Ang tanging magagawa natin para magkaintindihan ay ang pahalagahan ang bawat isa. Kahit sino pa siya, kahit gaano pa kasama ang isang tao, kahit hindi mo siya gusto hindi masamang makinig kahit sandali. Malay mo, meron kang mapulot na magbibigay daan para sa ikabubuti mo. Mabuti man un o masama, makakatulong o hindi, may ibig sabihin parin un, may laman, nasa iyo na lang kung paano mo tatangapin.
O sya tagay na!
Tuesday, August 11, 2009
Pektures
Wala lang naisipan ko lang magupload ng picture ko..
naloka lang ako kase ang galing ko na pala umangulo mukha akong payat chet hahaha..
mukha talga ang payat ko dyan harharhar
hindi po ako tulog nakainom lang hahahah
yan emote naman.. bago makatulugan ang pagtetek hahaha..
nasa mental constitution po ako.. kalalabas ko lang hahaha
oh kitam ang taba ko super.. huhuhu..
ang taba ko sobra.. dadating na sa 25 ung pinsan ko kasal na nila sa september.. kailangan ko na pumayat kase abay ako dun.. anu gagawin ko :weep:
Tuesday, June 23, 2009
Thoughts - Libra
Very pretty, Very romantic, Nice to everyone they meet, Their Love is one of a kind, Silly, Fun, Sweet, Have their own unique sexiness, Most caring person you will ever meet! AMAZING IN BED! Spontanious, Neat, Addicted and loyal to their friends, Not the kind of person you wanna fuck with :) You might end up crying; The most irresistible, Strong, Powerful, EXTREMELY PASSIONATE!?????????????Rare to find, A great kisser, Incredibly intelligent, Most Libras are deep-thinkers, Outgoing, Lovable, Corky, Crazy, A fun-lover, Funny, Talkative, Erotic, Smart, LOVES sports, Gets what he/she wants, Loves to be in a relationship BUT, is completely happy and free if single..
Very romantic,(well I am..) Nice to everyone they meet(hindi sa lahat noh..), Their Love is one of a kind(ow well.. hmmm), Silly(pretty much, sometimes), Fun, Sweet, Have their own unique sexiness(well, well, well.), Most caring person you will ever meet!(trueness hahaha) AMAZING IN BED!(no comment) Spontanious, Neat, Addicted and loyal to their friends(very), Not the kind of person you wanna fuck with :)(try ninyo, now na para naman maiba ung trip ko, madali naman ako kauspa eh.. pero pagpumalag ako sisiguraduhin ko mananalo ako hahaha) You might end up crying(un na!); The most irresistible, Strong, Powerful, EXTREMELY PASSIONATE!?????????????(need to say more?)Rare to find, A great kisser, Incredibly intelligent, Most Libras are deep-thinkers, Outgoing, Lovable, Corky, Crazy, A fun-lover, Funny, Talkative, Erotic, Smart, LOVES sports, Gets what he/she wants, Loves to be in a relationship BUT, is completely happy and free if single ..(happy and single)
karamihan dyan totoo noh.. hahahah
Monday, June 22, 2009
Haiku
I was just up to the challenge and learning those kinds of format really inspired me alot.
Oh well, moving forward. I never thought Padre would like my haikus. Subok lang kase un, I need thought of impressing him, I just wanted him to check it and tell me kung nakuha ko ng tama ung idea ng haiku. Hindi kase ko ganon ka familiar dun. But he did liked it and ask me to post it na and I did. Thanks for the challenge and help Padre. And certainly I'll keep on writing..
So heres 3 of them.. I've written about 5 haikus I think.
Flameless candle as my light
In this room I hide
***
Today I woke up
With a desire to be loved
By this selfish life
***
Dark clouds in the sky
Sign of rain, pouring anytime
Washing trace of lies
-written June 17, 2009
Wednesday, June 17, 2009
How
If one can't see
Through a child's eyes
So blissful with glee
How warm is a hug
For a lonely orphan
Longing to be loved
And cherished by someone
How loud is the silence
In this crowded room
If no one listens
In any of the tune
How painful is the wound
With no bloodstains
Instead, traces of tears
From the eye remains
How someone can be so cruel
Not to understand at all
How can selfishness rule
Inside somebody's soul
-written June 05, 2009
Friday, June 5, 2009
Wanderer II
A dream he thought he already got
Had vanished in just a single snap
Memories that he carefully trapped
Seems vague and slowly being unwrapped
The moment his princess walked away
Saying, things are changing day by day
Nothings seems to matter as of today
Now he's breaking more than yesterday
Her sweet voice he constantly remembers
Now in his ears, is like a roaring thunder
Hearing those painful words she uttered
Makes him bleed and wounded deeper
A part of his life had gone meandering
He cannot dwell on sadness and hurting
One could only help himself to keep on hoping
Happiness is a choice that is worth keeping
The future ahead of him looked so blurry
And that's the beauty of life, one shouldn't worry
Coz he knows, it just ended in a tragic story
But now is the beginning of his new journey
-written June 05, 2009
Tuesday, April 14, 2009
Thoughts - Inggitera

first siggy I made for papa
created for cf
for igol
mine
hindi ko na lagay ung iba kase madami at hindi naman ako magaling sa ganyan but my kapatid midz and aventot are expert on those.. tsak kinatamaram ko na mamood ng video sa youtube kung paano gawi ug bang tricks sa photoshop eh.. kaya nagpapagawa nalng ako siggy ko hahaha.. At dahil inggetera ko, ingit ako sa gawang siggy ni mids kila mhy at mama.. so naghanap ako ng image at nagpagawa rin sa kanya hahaha.. kaso hindi ako makapagdecide kung alin sa siggy gagamitin ko.. take a look.. pareho lang pero magkaiba ang dating..
ito ung original design nya

eto ung revised
Ang gulo ko diba pareho lang naman ung color at lights lang nagkaiba pero hindi ko alam alin dyan sa dalawa pipiliin ko, pareho maganda, pareho ko gusto pero.. hay puro pero..
Yan gnag isa sa mga problema ma ko ang tagal ko mag decide, kaya kahit sa pagshoshopping sus aabutin ako ng ilan oras para makapili, bakit? I want the best for me, kahit sino naman un ang gusto diba, pero minsan kakapili mo nagkakamali ka rin, like what happen the last time I tried buying a new shirt, kakapili ko kakapunta ko sa iba't ibang shop, ung nagustuhan ko wala na pala stock, ayun umuwi ako ng walang nabili at nauwi ang 3 hours ko sa wala.
Naalala ko sabi ng mom ko, "pag may nagustuhan ka, kumuha ka ng size mo sukat mo pag ok bilin mo na, mahirap na kase ung babalikan mo pa, ung nakita mo thinking na baka may mas maganda pa, baka mamaya wala na un pagbinalikan mo."
Alam ko may point mom ko pero minsan ang hirap basta basta gumawa ng desisyon, iniisip ko baka manghinayang o magkamali ako, pero sino ba ang hindi nagkakamali..
Siguro marami lang mga bagay na kailangan isa alang alang bago mabitiw ng desisyon at tingin ko hindi ko maalis sakin un. Ayoko naman basta basta tumalon sa dagat ng hindi ko alam kung malalim o hindi ung parteng un lalo na hindi ako marunong lumangayon..
Anyway desisyon ko sa siggy, I ask ave's opinion at ung pangalawa daw un gamitin ko so un ang ginamit ko hahaha..
Sunday, April 12, 2009
PGR in Puerto Galera































Here is a video of team pgr, actually kulang yan.. hindi pa kase kasama dyan ung first year or so..