Showing posts with label essay. Show all posts
Showing posts with label essay. Show all posts

Thursday, August 20, 2009

Past-Present-Future

Past.
Yan ung bagay na iniwan ko na, mga nakalipas. Un ang alam ko. Pero bakit kase bumabalik-balik pa. Bakit ba hindi pwedeng magkaamnisya pagkatapos ng isang panget na pangyayari para naman masabi nating talagang nakaraan na siya at hindi na mababalikan pa. Bakit ung alam ko nilagpasan at iniwanan ko na eh parang nakikita ko nanaman sa kabilang kanto. Nanunubok, nakatingin parang may gustong sabihin. Pareho lang ba talaga un ng iniwan ko o namamalikmata lang ba ko?
Pero bakit hindi ko mapagkaila ang sabi ng utak ko na, pareho lang. May mga bagay na kahit itangi mo pa, alam mo parin sa sarili mo na pareho lang un, walang pagkakaiba, iisa.
Aaminin ko apektado ako, sino bang hindi? Naging bahagi yan ng buhay ko, hindi ko rin naman maiiwasang hindi tignan at usisain ulit. Hindi rin naman ako bato para hindi makaramadam ng kahit ano. Ang mahirap eh ang possibleng kakabit nito. Ung posibilidad na ibalik nito ung dating ako. Ayoko! Pero paano kung hindi ko maiwasan? Ano kaya ang pwede ko gawing paraan?

Present.
Kahit saan ako lumugar hindi na naging maayos ang kasalukuyan ko, lagi magulo. Laging komplikado.Gusto ko malaman ang bawat detalye na pwede ko malaman. Pero paano ko gagawin un, kung ang meron ako ngayon ay isang sulat na ilang ulit nang binura at pinatungan ng ibang tinta. Paano ko naman kase maiinitindihan kung hindi ko man lang mabasa kung ano gustong sabihin nito? May mensahe ba ito para sakin? O sinusubukan lang nito ang kanyang ankin kakayahan para malaman ang kahinaan ko?
Ginagawan ko ng paraan ang mga bagay na tining ko kaya ko lusutan, hanggat kaya ko susubukan ko parin para maliwanagan ako. Ayoko kaseng masabi ng iba na madali ako sumuko at lalong ayoko ng magmumukha ako tanga. Pero ang masalimuot, kadalasan kahit na solusyunan ko na ang isang bagay na gumugulo sakin, hindi ko mapapansin meron nanaman palang papalit para guluhin ang diwa ko, nakakawindang.
Kaya naisip ko ngayon hahayaan ko na lang muna, sasabay na lang ako sa agos. Tutal nagawa ko na ang dapat ko gawin, sapat na siguro un. Sana maisip din nito minsan, hindi masamang ipakatiwala sa iba ang nilalaman niya at siya mismo ang gumawa ng paraan para ipaalam ang dapat malaman. Hindi naman one way ang EDSA noh, hindi pwedeng puro pasulong ang takbo ng bawat sasakyan sa kalsada, lalong magkakatraffic, minsan kailangan mo din magmaniubra kung uuwi ka na para magpahinga.
Isa lang naman iniiwasan ko kung saka sakaling bitawan ko na talaga ang manibela. Ito ay ang magkaroon ng panghihinayang sa desisyong gagawin ko, pero tingin ko naman, wala. Sana nga.

Future.
Kahit na hindi ako ok ngayon, hindi parin ako nawawalan ng pagasa na maging bongga ang hinaharap ko. Hindi naman masama mangarap at umasa, lalo na kung meron
kahit katiting na liwanag kang nakikita. May pagkakataon na nasisilip mo na ito, pero hindi ka pa pamilyar, kaya may pagkakataon na nagdadawalang isip ka. Pero minsan hindi mo maiwasan hindi bigyan ng kahit onting pansin, ang kung ano man ang meron dun. Ngunit madalas dahil naoukupahan ng ngayon ang magulong utak mo, hindi mo magawang pagkaabalahan isipin kung ano ang mga ito, kung ano ibig sabhin nun, bakit nandun ung mga bagay na un. Ni hindi mo mabigyan pansin ang mga nasa harap mong naghihintay mapansin at mabalingan mo ng atensyon. May dahilan kung bakit nasa harapan mo lang sila kahit hindi mo pa mapansinin agad. Pero nasasayo nga lang kung paano mo sasalubungin at tatangapin.
Maayos naman siguro ang hinaharap ko, un eh kung sinisimulan at gagawin ko ang mga plano. Pero ano nga ba magiging resulta ng plano pagsinimulan mo na gawin? Talagang para sa hinaharap mo ba un na naghihintay lang kung kelan ka magkakaoras at panahon na subukang pagtuunan ito ng pansin? O baka ang resulta eh ang malaman mo kung ano ang hindi mo pa nagagawa para sa kasalukuyan mo? Posible din pagnagawa mo na ung plano, ibukas nito ang isip mo para malaman kung gaano pa kahalaga ang nakaraan binitawan mo para sayo.

Nak ng tokwa may past present at future pa ko nalalaman eh kalokohan at kadramahan lang naman ito.

Saturday, August 15, 2009

Dahilan

Ano nga ba ang meron sa alak? Nakakamangha kasi ang nagagawang milagro nito sa mga taong natutukso dito? Kung tutuusin, mapait at mapakla ang lasa pero kada abot ng tagay sayo hindi mo mapigilan abutin at tunggain ang baso. Sakit ng ulo sa hangover naman, ang resulta pagkagising mo sa magdamagang huntahan habang lumalagok ng malamig na beer. Pero ano bang alindog meron ito na hindi matanggihan ng mga lasingero?

Marami na ko nasaksihan na mga tagpo na parang kinopya sa pelikula, madrama, maaksiyon at minsan nakakatawa. Ngutin nagyari sa totoong buhay, nakakawindang. Nang dahil sa alak, eto ang ilan.
Meron eksena noon sa tambayan, sinampal ng isang girlaloo ang isa pang girlaloo dahil sa inagawan, nilandi, ang syota niya. Nagwawala si girlaloo #1, sinigaw sigawan, dinuroduro at minura si girlaloo #2, inawat ni boylet, ayun nasampal si boylet ng bonggang bongga. Nabuko siya ng di oras nang dahil sa alak.
Ung huling labas namin may nakita naman kami, si ate sumusuka habang umaandar ung sasakyan nila, nasa passenger seat siya, bukas ung pintuhan umaandar ng madahan ang sasakyan, nakakaloka, ayun kiber sa kahihiyan, nang dahil sa alak.
Sa hindi ko mawaring dahilan takaw gulo rin ang mga nagiinom, may nagkakapikunan na nauuwi sa sampalan, suntukan, bugbugan, tadyakan, saksakan at barilan. Riot, dusko madugo ito, nakaabot sa presinto, nang dahil sa alak.
Ngunit subalit datapwat marahil, hindi naman puro masama o pangit ang mga pangyayari ang dulot ng alak, may positive parin. Marami nang nagkabati at nagkaayos na magkakaibigan. Nagkakausap ang matagal nang hindi nagkikitang magbabarkada sa isang group text lang ng "tara inom tayo sa biyernes". Napapangiti ang mga taong depress at may problema sa buhay pag sumipa na ang pulang kabayo. Lahat yan napatunayan kong totoo at nagyayari sa totoong buhay hindi sa tv lang. Kakaiba nga talaga ang epekto ng alak sa tao.

Sabi nila kausapin mo ang taong lasing o nakainom at panigurado lalabas ang totoo. Painumin mo ng alak ung tatahitahimik na tao at makikita mo kung gaano talaga siya katarantado, kasama si San Miguel. Babangka ang dating kiming babae sa isang sulok pagnakashot na at sinaniban na ni Sta. Tequila.
Pero may bahagi paring napapaisip ako. Dito - "sabi nila kadalasan pag lasing, dun raw nakakapagsabi ng totoo ang isang tao, lumalabas ang mga sikreto at mga sama ng loob. Dito napapawi ang sakit nanararamdaman at nakakapagdulot kahit panandaliang kaligayahan."
Sangayon ako dito, totoo naman kase. Pagnakainom ka at marami ka kausap na barkada nakakalimutan mo ang mga gumugulo sa utak mo, mga problema at ung mga kirot na nararamdaman mo. Parang anesthesia ang alak, mapapamanhid nito ang pakiramdam mo, makakalimutan ang hapdi ng paghihirap ng loob mo, pero paglumaon at wala na ung tama ng espiritu na sumapi sayo, balik ka ulit sa dati. Hindi kase ito ang lumas pero nakakatulong parin kahit papaano, kahit sandali.
Nagagawa rin nitong ilabas lahat ng nasasaloob mo, sabi nila nakakalakas daw kase ng loob, pagnakainom ka na. Ung mga bagay na hindi mo nasasabi sa iba at kinikimkim mo lang ng pagkatagal tagal eh nasasabi mo na lang ng biglaan. Nawawala ang hesitasyon, pagaalinlangan at inhibisyon. Yung tipong kahit na yung pinakatorpeng lalaki, pagnasapian ng espiritu ni Giner, kulang na lang eh alukin ng kasal ang kanyang sinisinta. Yung mga babaeng pakipot pa, ayaw gumawa ng move sa para mapansin ng lalaking gusto nila, pagbinuyo na ni Margarita, bibigay din.

Meron naman nagsabi na paglasing ka eh hindi mo alam kung ano ang ginagawa o sinasabi mo. Hmmm.. Dyan ako hindi masyadong kumbinsido. Ang alam ko kasi, alam parin ng tao ang ginagawa o sinasabi niya kahit lasing na, ang kaso lang, kadalasan hindi mo na mapigilan ang bawat galaw mo at ang kadaldalan mo, kaya ginagawa na lamang iyan dahilan.
Kaya napaisip ulit ako, hindi kaya iyan din ang posibleng dahilan kung bakit lumalakas ang loob ng isang tao, hindi dahil sa epekto ng alak, kundi ang kakabit nitong, maari mong gawing dahilan sa kung ano mang pwede mo gawin o sabihin? Nang dahil sa alak.

Thursday, August 13, 2009

Usapan

Sabi ng tatay ko lahat ng bagay nadadaan sa mabuting usapan, pero sabi ko mas madali ata ung maboteng usapan, masaya pa! Marami ka malalalaman, maririnig at matututunan. Hahaha! Masarap makinig sa usapan sa isang lamesang puno ng pagkain at iba't ibang inumin, lalo na ung mga nakakalasing.
Nandyan na ung payabangan, "Yan si Myrna kaunting bola na lang mapapasagot ko rin yan. Anu pa ba hahanapin niya sakin, magandang lalaki na ako may matino pang trabaho". Kamukatmukat mo hanggang ngayon wala parin siya syota.
Pagalingan, "Oy, pare wag mo na pagawa ung radyo ninyo sa electrician dalin mo na lang sa bahay bukas, kaya ko ayusin yan hik!" Pagdaan mo naman sa bahay nila kinabukasan makikita mong nakakalat ung mga piyesa ng radyo sa sala idamay mo pa ung elesi ng electric fan sa sahig na pinaglalaruan ng bunsong anak niya.
Payamanan "Mga pare, anu bang magandang sasakyan ngayon, nakakuha kase ko ng bonus sa opisina, ibibili ko ng bago kotse papalitan ko na ung luma ko." Sagot ng kainuman "Pare anu ba ung luma kotse mo? Sandali may kotse ka ba?"
At ang walang sawang kumbinsihan na hindi pa lasing, "Di pa ko lasheng, tara inom pa tayo, tagay hik!" sabay lakad ng pagewang-gewang dahil maiihi o masuka. At pagkatapos maririnig mo na lang na naghihilik sa upuan sa isang sulok.
Minsan pa mauuwi yan ang huntahan sa pagtatalo, sa away at gulo, nagkakasakitan pa kung minsan. Pero pagnag-abot ka na ng tagay eh ayos na ulit, bati bati na, tuloy ang inuman at kwentuhan. Parang walang nasakatan, walang pagtatalo, walang nagyaring gulo.

Hindi maiiwasan ang hindi pagkakasundo kahit pa mababaw lang ito, hindi maaalis na magkasalungat ng bawat isa, sa mga panananaw, gawi at opinyon. May kanya kanya tayong ugali, walang dalawang tao ang magkapareho. Bawat isa sa atin, iba.
Yan ang madalas na dahilan kung bakit may nagkakainitan ng ulo. Madalas hindi nagkakatugma ang sa nais ang dalawang tao sa isang bagay. At dahil ni isa sa kanila ay ayaw magpatalo at ni ayaw pakingan ang bawat isang, mas lalong walang mangyayari, lalaki lang at hindi matatapos ang pagtatalo.
Kahit mahirap, minsan mas mabuti ang manahimik muna at makinig kesa sa salubungin ang init ng ulo. Hindi ba mas malalala ang resulta pagnagkabangaan ang dalawang humaharurot na sasakyan? Kadalasan walang nakakaligtas. Pero mahirap din naman magpigil ng galit kase pagnapuno yan kung hindi aapaw, siguradong sasabog. Ang gulo diba? Pero tingin ko, dapat lang natin matutunan ang makinig at magisip muna bago magsalita. Ang kontrolin ang galit at emosyon. Ang maghinayhinay sa bawat salitang binibitawan. At magpaubaya paminsan minsan.
Ang tanging magagawa natin para magkaintindihan ay ang pahalagahan ang bawat isa. Kahit sino pa siya, kahit gaano pa kasama ang isang tao, kahit hindi mo siya gusto hindi masamang makinig kahit sandali. Malay mo, meron kang mapulot na magbibigay daan para sa ikabubuti mo. Mabuti man un o masama, makakatulong o hindi, may ibig sabihin parin un, may laman, nasa iyo na lang kung paano mo tatangapin.
O sya tagay na!

Monday, August 3, 2009

Pagbabago

Kabibili ko lang ng sim card nung isang araw, sencondary line kumbaga. Ewan ko ba kung paano ako napilit bumili ng simple sim card, eh forever posible user ako. Well, ayun binili ko rin, unfortunately wala ko ibang phone na gagamitin chet, bakit ngayon ko lang naisip after ko mabili ung sim. Ung isang phone ko kinuha ng kapatid ko, paano nasira ung telephono niya nung isang araw, sus ung sirang celphone ang naiwan at nakalock sa posible line un. Susko anu ba yan, sabi na nga ba eh kailangan ko pa daw talaga bumili ng bago phone, naiisip ko na un nung isang araw, habang naguusap kame nga mga kaopisina ko. We're joking about Jason buying a new phone in Commonwelt Avenue, the said place was raid due because the dealers there were selling snatched and stolen phones, but if you'll be checking the place today after the said police operation, business is still on going haha. Sabi ko gusto ko ung P1i or ung bagong SE C905 gusto ko ung phone na un, shoot! Basta bibili ako ng secondary phone ko kahit na 5110 pa ayan.

Anyway, so I got the sim used it in my primary phone and insert my globe sim in the other busted phone mygulay. How can I send text messages using this, shoot again! Pero naaliw ako nung una, kahit hindi ako familiar sa smart (eversince nauso sakin ang celphone, simula pa nung highschool ako, na ginto ang presyo ng mga sim card-my first sim costed me 1,200 petot susko ginto!- globe user na ko) eh may katek ako agad, aliw. Pero nabadtrip ako pagdating sa bahay mahina nga pala signal nito sa loob ng kwarto ko, susme bakit nun ko lang naalala na may cellsite ang globe sa kabilang street namin kaya mahina talaga ang signal ng smart dito. Ayun wala ko nareceive na text or call pagdating ko sa bahay, anak ng tokwa, wala rin. Kaya sabi hindi ko na ulit gagamitin ang simcard na ito.

Hay, mahirap talaga palitan o baguhin ang nakasanayan na. Dapat alam ko na yan, dapat sanay na ko dahil mahigit isang linggo na ko hindi mapakali sa mga bagay na gumugulo sa utak ko, mga pagbabago. Mga bagay na hindi mo inaasahan tapos bigla-biglang mangyayari, meron naman alam mo na posibleng mangyari pero hindi mo akalain ngayon na un, nagyayari na. O mga bagay na iniisip mo mangyayari pero walang posibilidad matupad pero eto na at kaharap mo na. Ang gulo diba? Ang hirap..
Mahirap din pala ipilit ang hindi pwede, ung hindi akma, na kahit gaano kalakas ang tulak mo hindi gagalaw at mauubos lang ang lakas mo, mga bagay na hindi talaga ukol kaya kahit anong pilit mo, umiyak ka man ng dugo, wala ka parin mahihita..

Masyado na ko nagugulat at naguguluhan, napapagod na rin ako kakaisip kung bakit, ano, paano, saan at sino. Kaya siguro para mabawasan ang gera sa utak ko, sabayan ko na muna ung agos baka sakaling dalhin ako nito sa pampang, kesa pulikatin ako pagpinilit kong sagupain ang alon, kahit hindi rin naman talaga ako marunong lumangoy.
Ang mga bagay na gumugulo sakin ngayon ay biglaan, ni hindi ko alam pagkatapos naming magsaya sa bakasyon pinaghandaan namin eh iyakan naman pagkatapos, hindi ko alam kung tama ang gagawin at mga desisyon ko, gusto ko nga paginisip pa mabuti kaso, unti-unti narin akong napapagod, nahihirapan. Masakit nasa ulo, baka pagnagpatuloy ang ganito tuluyan pang lumala ung sakit ko sa utak hindi pa naman ako normal.

I tried different alternatives but nothing seems to work. I tried reaching out but it keeps on running away from me. I tried saving it but I just prolonged the agony but it died eventually. So I guess, I just have to let it go, I think, its time to loosen the grip on my wheel and just wait and see where it would/could bring me. I'll just make sure that I'm ready no matter what..
I'll just keep my fingers crossed and hope that tomorrow will be better than today..

5 o'clock in the morning, got a text message from myonly, she's calling my smart number, cannot be reached daw, eh paano magriring tinggal ko nga ung sim, ay sus palitan nanaman ng sim card..

-written April 09, 2009

Saturday, August 1, 2009

Kaldero

Bawat kaldero may nakalaan na takip.
Parang kapalaran, tingin ko bawat isa sa atin may nakalaan na isang taong makakasama natin sa panghabang panahon. Pero hawak mo ito, ikaw ang makakaalam, kung anung tamang takip ang para sa iyo at kung kailan ka tatakpan.

Marunong ka ba magluto?

Hindi lahat marunong at masarap magluto, ang iba gumagamit ng recipe book para malaman natin kung ano ang kailangan sa isang putahe at kung paano ito lutuin. O kaya nama'y magtatanong sa iba para malaman kung paano. Pero may pagkakataon na nagkakamali parin tayo, hindi masarap ang kalalabasan, kulang sa timpla at kung mamalasin ka pa masusunog mo niluluto mo.
Pero hindi tayo matututo kung hindi tayo magkakamali, hindi rin tayo masasanay kung hindi natin susubukan. Minsan nga, dumadating tayo sa point na pinaghihinaan na tayo ng loob, at tumitigil tayo. Siguro na-disappoint na tayo sa nagawa natin, napagod malamang. Sa pagtigil na un tingin ko magmumuni-muni ka. Magiisip ng bagong strategy kung paano natin mapapasarap ang niluluto natin. Pero trial and error parin yan, pwede magwork ung plano pwede rin hindi. Ang kailangan lang ay ipagpatuloy at subukan parin. Isa lang ang tip diyan, sundin mo kung ano ang sinasabi ng panuto. wag ka magmarunong kung wala ka naman alam.

Ganto kasi, meron mga putahe na kapag lulutuin, minsan hindi pwede takpan kase kailangan mag-evaporate ng water para matira ung sauce at maging malasa ung pagkain na niluluto mo. Meron din naman mga lutuin na dapat tinatakpan para ma-trap ang steam sa loob at mapadali ang pagluluto. Pero madalas din naman na tinatanggal tanggal ung takip ng niluluto mo para makita mo ung laman diba? Para makita mo kung tama na ang pagkakaluto ng sahog o kung kailangan pa dagdagan ng pamapalasa. Minsan kailangan mo pa tikman para malaman. Hanggat di pa luto ung pagkain hindi magiging permanente o pang matagalan ung takip na nilalagay mo. At tatakpan mo un depende kung tamang oras na. Pero kinalaunan, tatakpan mo rin ung kaldero kase luto na ung pagkain at para hindi malangawan o madumihan, diba? Kelan un mangyayari? Pagluto na ung pagkain, pagtingin mo masarap na ung niluto mo ung tipong wala ka nang idadagdag.. Unless sinigang ito at kailangan ng patis at sili na kasalo habang kumakain ka.


-written March 18, 2009

Friday, July 31, 2009

What life could bring..

(I haven't written for a long time kahit poems.. quotation lang.. kaya post ko muna mga olds essays ko.. sabi parang gulong ang buhay paikot ikot lang.. kaya nung bsahin ko mga sinulat ko dati.. parang ganon rin naman nararamadan ko ngayon..)


Time is a companion that goes with us on a journey. It reminds us to cherish each moment, because it will never come again. What we leave behind is not as important as how we have lived.

Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn't do than by the ones you did. You’ll never know what life could bring you. For a moment you’re jubilant, savoring the happiness that life has brought you. Satisfied for having those people you cherish. But in a snap that could change, in to something totally unexpected. Some could leave you, following a path that no one dared to walk through, unless ready to face the life beyond. It could be predicted, but most of the time it’s sudden. Worst is, it is.

Accept that life is full of surprises.
Good or bad. Be prepared.
So throw off the bowlines.
Sail away from the safe harbor.
Catch the trade winds in your sails.
Explore. Dream. Discover.


-written Aug, 06 2007

Saturday, April 4, 2009

Death

Its funny to learn that some people think, I'm already 6 feet under. Darn, that's the least possible situation I wanna think of, worst thing that could happen to me. We just celebrated New Years a couple of weeks ago, don't want to die young. No, not today, not tomorrow, not now. I never imagined my self lying on a cushioned, rectangular sealed box, with a square glass mirror on top. Is this the thing they call coffin?

Never in my entire life did I come across this thought. Death, death of whoever, relatives, family member, friends, co-leagues, someone special and especially me. I hate going to wakes and funerals. I'm just not comfortable with its sullen aura. I hate seeing people who wanted to end their precious lives just because they cant handle the situation they are in. Dying won't be the answer.

If ever, would I go to heaven? or would Satan welcome me in hell? Waaahh this is so weird.. erase erase erase.. Can't believe I'm saying or even thinking about this.

But I know that anytime.. anywhere.. we don't know when He will be needing us to accompany Him there.. I know I'm not ready yet, there are things I wanted to settle, things I wanted to accomplish and things I wanted to finish. Yes, everything's hanging for me now. I know what to do about it, but I don't have the strength and courage to face it yet. Yes, I'm a coward. Too scared to get hurt, to be wounded again. Too scared to accept the truth, to face reality. Too scared of me dying because of this pain and even face the real death itself. I'm getting tired of all this agony wrestling inside me, dreamland won't help, everything inside seems to be broken beyond repair, i can feel the presence of death lingering inside me, the reality I'm trying to avoid. Darn, no one, not even I, witnessed my death yet I can feel my presence in hell.

Tuesday, March 24, 2009

Bukas

Bukas bagong araw nanaman, magsusulat nanaman ako,
tatawa, mangungulit, magiisip.
Bukas hindi ko na titignan o babalikan mga messages mo,
paulitulit ko na kasi binasa ngayon, tama na siguro un.
Bukas hindi na ko galit, hindi na ko magmumukmok, hindi na ko iiyak.
Bukas hindi na kita iisipin, itatago ko na lang lahat ng alaalang iniwan mo.
Parte ka na ng buhay ko, ng nakaraan ko,
wala na ko magagawa dun at tinagap ko un hindi mo man hiniling.
Bukas haharapin ko na buhay ko, buhay na malamang hindi ka kasama,
hindi ko ginusto pero ganon ata talaga.
Bukas hindi ko man alam kung ano nakalaan para sakin,
makasalubong man kita muli o hindi,
ano man ang mangyari, tingin ko kakayanin ko na.

Sunday, March 22, 2009

Sermon

Oh akala ko, ok ka na? Kala ko ba napagusapan nanatin yan, nung huling beses tayong nagkita, basag na basag ka pa nun, laklakin mo ba naman ung tatlong litrong red horse. Eh anong ineemote-emote mo dyan ngayon? Akala ko ba ok na, makakaya mo na.

Sign?! anak ng tokwa naman, ano pa bang sign hinihingi mo, ang mabuntis si Bebe Gandanghari? Neng parang sinabi mo na for life ka na magiging ganyan.

Sabihin mo nga ulit sakin kung ilan beses ka na umiyak, nagmaktol, nagalit, naghurumintado, nayamot, naasar pero iisa lang naman nirereklamo mo sakin, siya. Nung nakaraan mga araw, galit na galit ka, kulang na lang eh basagan mo ng bote ung magbabalot na dumaan, dahil sabi mo tinatarantado ka, ginagawa kang tanga ng lalaking un. Tapos ilan araw lang eto ka nanaman, ano bang klaseng utak meron ka gurl?

Nandun na tayo mahal mo, putchang pagmamahal naman yan! Mahal mo nga, eh mahal ka ba? Importante ka ba sa kanya? Ni hindi nya sinabi sayo kung ano ung totoo, malalaman mo na lang ganon, ganto. Tapos ano? Wala. Kelan ba nasagot lahat ng tanong sa utak mo? Kelan ba dumating ung point na wala ka na agamagam? Oo masaya ka, fine, napapangiti ka nya, fine, naramdaman mo importante ka sa kanya, fine parin, pero gaano katagal un? 2 days, 3 days tapos ano, wala nanaman. Sabi mo nga nagmukha ka nang katawatawa sa harap ng mga kaibigan nya. Oo nasaksihan ko un, gusto na nga kita dagukan eh, kaso naawa ako sayo, pinagtatawanan ka na nga, babatukan pa kita.

Tapos hihirit ka ng what if what if dyan ngayon? Eh ilan beses ko rin ba sinabi sayo na hindi matatapos ang kalokohan mo kung lagi ka na lang aasa sa what if mo. What if kayo talaga? Eh what if hindi naman pala. Sus may anak na ung tao, hindi kasal, fine.. di pa tali, ano naman ngayon? Meron naman dyan walang sabit, single, mabait, mapera, gwapo pero ano dinahilan mo sakin, kesyo hindi mo mahal. Punyetang pagmamahal yan. Ilan beses ka na ba ginago nyan ha? Dalawa o tatlong beses na? Tapos pagbumalik sayo konting lambing lang, konting sabi lang ng "ikaw naman talaga mahal ko eh", bibigay ka na agad. Gaga ka rin kase, kung una pa lang hindi mo na hinyaan mangyari, kung una palang hindi mo na siya tinanggap pabalik edi sana hindi na naulit. Ang bait mo kase eh hindi ka marunong magsalita, nagmumura ka na sa loob mo, pero oo at hindi parin lang sagot mo, ni hindi mo masabihan ng panget na bagay ung isang un, kahit totoo naman.

Dadahilan mo sakin kesyo mahal mo, mahal mo pero umiiyak ka naman ngayon. Eh yang lalaking yan, sigurado ka bang mahal ka nya? Kung mahal ka nun, ipapakita at papatunayan nya un sayo, kahit anong pang delubyo mangyari. Kung mahal ka nun hinding hindi ka nya sisisihin kahit gaano pa kabigat ginawa mo kasalanan, meron man o wala. Kung mahal ka nun, hindi ka nya gagawin dahilan sa mga pagkakamali nya. Kung mahal ka nun hindi ka nya pagmumukhaing tanga o kakawawa, saharap ng kaibigan nya, kaibigan mo at sa kahit sinong tao. Kung mahal ka nun kahit sinong dyosa ang lumapit sa kanya hindi ka kapagpapalit nun. Kung mahal ka nun hindi ka niya sasaktan intensyonal man o hindi.

Nakita mo na ba sarili mo sasalamin? Almost 15 years na tayo magkakilala, never kita nakita ganyan kamiserable. Please lang konting respeto, at mahalin mo naman ulit sarili mo, ikaw lang at wala nang iba makakatulong sayo. Alam ko tanga ka, martir ka, bulag, eh kapansanan mo na yan, wala na ko magagawa. Pero ikaw meron, alam mong may gamot dyan, ayaw mo lang inumin. Bakit, kc mapait? Hindi mo gusto lasa? Eh paano kagagaling?


Disclaimer: Ito ay para sa kaibigan kong si Mae. "Gurl gising na sisimulan pa natin ung bagong libro, ikaw ang writer, buhay mo ang topic."

Wednesday, March 18, 2009

Regalo

New year na at tapos na ang first sunday ng January, pagising ko kanina umaga tinatangal na ng nanay ko ung christmas tree sa sulok ng sala namin. "Chinkay, ung mga regalo mo dito tanggalin mo na, magayos ka na ng kwarto mo, ayoko makita pakalatkalat mga ito dito."
Ako na lang ang hindi nagtatangal ng mga regalo sa ilalim ng christmas tree namin. Pagkatapos magalmusal, nakadalawang balik ako sa sala para maipasok ang mga regalo sa kwarto ko, unti lang un pero natambakan kama ko. Sus dagdag kalat nanaman ito dito. Game na, tangalin ang gift tag, itago sa small box , para may reference ako for the next holidays. Itapon ang gift wrapper at itago ang paper bag sayang eh, pwede pa magamit. Nang matapos ako, I got a couple of shirt, books, planner, perfume, flipflops and tumblers. Anak ng, bakit ako bumili ng libro at shirt nung isang linggo, eh meron papala dito. Tsk tsk tsk.

Madalas marami tayong mga bagay bagay na naiisan tabi, hindi natin pinapansin, dinadaandaan lang, akala kase natin nanadyan lang. Hindi natin alam na may role pala silang gagampanan sa buhay natin. Parang isang taong nandyan lang, lagi naghihintay na mapansin mo, pero dahil abala kakaisip sa iba, kakahabol sa taong gusto mo, hindi mo na siya napapansin. Minsan huli na, pagpinagtuunan na natin ng oras, panahon at atensyon, hindi na tulad ng dati, iba na pala purpose nya, malamang nagsawa, napagod at nawalan na ng pagasa. Sayang.

Napasin ko meron mga regalo na nilapag ko sa gulid ng kama ko, regalo na hindi ko naibigay. Ung isa sa inaanak ko, ipaaabot ko na lang. Meron sa officemate ko, bibigay ko sa tuesday pagpasok. Eto kay Nikki, matext nga at lagi naman tambay dito un malapit samin. Ung isa papatawagan ko sa nanay ko at ung isa papa-ship ko sa Davao. Pero may isa pangnatitira, hindi nakabalot pero alam ko, may pagbibigayan dapat ako nun. Ito ang problema wala ko kakilala na pwede ko pagabutan para makarating sa kanya un, hindi ko rin siya nakikita o nakakasabay, wala rin ako direct number para macontact at hindi ko alam ang address niya para ipadala. Asar, binigyan pa ko ng problema. Ano nga ba gagawin ko dito, isang pares nangblue slippers, hindi ko naman pwede gamitin dahil paniguradong malaki sakin 'to, hindi kasya sa tatay ko malaki rin, hindi rin kasya sa mga utol ko maliit naman. Susko naman, ano gagawin ko dito, isang pares ng tsinelas, ibebenta ko kaya, kanino naman? Hmmm, pagtinapon ko ito, (ung parang ginawa ni Rizal, pero sakin pares na siya)swerte ng makakapulot, makakatulong pa ko, pero paano kung walang makapulot tapos masira lang, sayang naman. Asar, ano gagawin ko dito?

Lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit sila ang eexist sa mundo. Bawat tao, pangyayari, lugar at sitwasyon na nangyayari sa buhay mo, maganda o pangit, lahat yan may dahilan. Parang ung tsinelas, ibibigay ko ito sa isang tao, nakalaan ito para sa kanya. Kaya hindi siya magkasya sa iba, walang bumibili at nakakapanghinayang itapon.

Maraming pangyayari sa buhay ko, nanaging daan para pangaralan ako, ang turuan akong unahin at mahalin ang sarili ko at malaman na kahit anong tago ang gawin ko sa likod ng maskara ng pagiging matapang, palaban at matigas, tao parin ako, marunong masaktan, umiyak at mapagod. May iba namang tinuruan akong magising sa katotohanan, na kahit gaano ako katanga, kamartir at kapraning sa taong mahal ko, isalang ang tanong sakin, masaya ka ba? Pinakita nila na may hangganan din pala ang kagagahan ng isang tao. Sa huli, isang tao lang ang dapat mo isalba, ikaw, sarili mo wala nang iba.

Marami na akong bagay na natangap, binili, sinaoli at pinahiram, alam ko na lahat ng iyon ay sadyang nakalaan para magkaroon ng kabuluhan ang pananatili nila sa mundo. Binigay man o pinahiram, ang alam ko lang, nagbigay katuturan sila sa buhay ko.

Friday, March 13, 2009

Pangalan

Nakita ko link na ito whatsyournameshiddenmeaning at siyempre hanapin ko ang hidden meaning ng name ko. eto ung natuklasan ko

You Are Seductive and Ruthless.
You are the total package - suave, sexy, smart, and strong.
Whoaw! Seductive pero ruthless taray, pangkontrbida ang dating, ayyllaaabbeettttt. Pero sandali kelan ba ko nakapangseduce? Kung seductive and suave nga ko bakit wala parin ako boyfriend hanggang ngayon. Bolahan lang ata 'to eh(pero magpapabola ko). Ung sexy, wag na muna nating pagusapan, nahuhurt ako, truth really hurts lalo na kung pinamumukha sayo ang katotohanan na majubis ako! Strong and smart parang ito na ung sumagot sa taong ko kanina, sabi nga ni Oprah “The smarter the woman gets, the more difficult for her to find the right man.” Agree! Ruthless? hmmm well, mabait ako sa taong mabait sakin, pero kung masama ugali mo mas masama ugali ko sayo. Ganon lang naman ka simple un.

You have the whole world under your spell, and you can influence almost everyone you know. You don't always resist your urges to crush the weak. Just remember, they don't have as much going for them as you do.
Huuwaaat! I can influence almost everyone and crush the weak. Sandali, sandali alam ko nahayok ako sa black magic dati pero hindi naman ganon kasama ugali ko noh. Masarap magpahirap, pero hindi ko masyadong naeenjoy un. Haha! joke. Maimpluwensya pala ako, hindi ko alam un ah, hhhmmm pagsinabi ko kaya kay *bleep* "Tumalon ka sa from the 36th floor of Enterprise Tower" tatalon nga kaya siya? Hahahaha!

You are truly an original person. You have amazing ideas, and the power to carry them out.
NO TO PIRACY talaga ko, kaya hindi ko alam na mas mura bumili sa Quaipo ng dvd kesa sa St. Francis Square, Starmall, Greenhills at Divisoria. Un nga lang pag sa Quaipo ka bumili kailangan mo mamili ng bibilan kc baka panget ung kopyang makuha mo, hanapin mo si Manong Duds, malinaw mga dvd copy nya, puro latest movies ung tinda at matatawaran mo pa.

Success comes rather easily for you.. especially in business and academia.
Graduate po ko ng Accountancy sa Polytechnic University of the Philippines saktong 4 years ko tinake at natapos un, tinamad nga lang ako mag review for board, hindi parin ako sinisipag hanggang ngayon. Nabibilang ako sa section 1 class nung highschool at grade school ako, wala ko binagsak na subject, pero nangodiko sa Integral Calculus, takte mahal ko ang math pero hirap talaga nyan, hindi ko maintindihan. Salutatorian ako nung Pre-school, hindi ako nagbabaon ng pera nun, magaling kc magluto nanay ko at hindi mahilig sa tocino.

Some people find you to be selfish and a bit overbearing. You're a strong person. You are usually the best at everything.. you strive for perfection. You are confident, authoritative, and aggressive. You have the classic "Type A" personality.
I make it a point na nasasabi ko mga opinion ko, pero hindi ako ganon ka vocal, basta ang sinisigurado ko sinasabi kung ano totoo. Medyo perfectionist nga talaga ko diba kapatid? Pero aware naman ako na wala perfect sa mundong ito. If loving my self more than any other is selfishness, well I guess I am. Tinangal ko minsan ung maskarang ginawa ko para makilala nila kung sino talaga ko, pero walang nangyari, akala ko letting people in to my life would make them understand and appreciate me more, I was wrong or probably I just expected too much, I was hurt. Pero hindi ko pinagsisihan un, ginusto ko rin naman kase. Masakit pala masaktan, lalo na at wala ko masisi kundi sarili ko, kaya kesa makita ng ibang tao ang weakness ko, ung other side ko, mas ok na siguro makita nila ung mataray at masungit na ako. Poprotektahan ko muna sarili ko ngayon, hanggang sa mabuo ulit siya, hanggang sa kaya ko na ulit siyang hayaan masaktan.

You are a free spirit, and you resent anyone who tries to fence you in. You are unpredictable, adventurous, and always a little surprising.
Inshort, gago, tarantado at sira ulo ko. Hahahaha.
May nagtek: from symb-cold: peep ano gawa mo?
reply ko: Eto nagsusulat ng kalokohan, ikaw pa? bakit gising ka pa?
symb-cold: Anu nanaman yan sinusulat mo?
reply ko: kalokohan lang pa, tatlo na pending hindi ko matapos tapos.
symb-cold: Very good. Kung ano ano nanaman yan.
reply ko: Oi, matino mga sinusulat ko, eto title, Kape, sisig, yosi at ikaw, Backspace, delete at ctrl+z at latest Bag. Malalim akong tao noh, hindi nga lang ako marunong lumangoy.
(anung koneksyon? hindi ko rin alam)


You may miss out by not settling down, but you're too busy having fun to care.
No comment ako dito. Baket? Wala nga ko syota settling down pa, nagaasar ba 'to?

You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people.
Bilog ang mundo, wala sulok wala kanto. Kung may tatalikurang ka ngayon, tandaan mo na kailangan mong libutin ulit ang buong mundo bago mo ito makasalubong at makaharap muli.You also have a very active imagination.

You often get carried away with your thoughts. You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals.
Sa madaling sabi, praning akong tao at panalo ko magisip(don't make me elaborate kc hindi ko rin magets takbong utak ko). Marami ko listahan ng what if sa buhay ko, paginisaisa ko un, makakagawa ako libro mas makapal pa sa telephone directory nyo. Yes, ang imagination ko ay extreme, wag nyo na rin ipaditalye, mahirap na. A little paranoia and jealousy, yan ang malaking kasinungalingan dito, hindi totoo yan, maniniwala na sana ako, magpapabola na kaso sumablay na dito. Ang totoo hindi little yan dahil SUPER selosa ko at SUPER paranoid ako, sabi ko nga masyado active ang brainscells ko eh, kasama yan dun. Un ngang tao hindi ko syota gusto ko lang(at hindi ko alam kung gusto parin ako) pero may kinakausap na iba, umuusok na ilong ko sa selos eh pano kung syota ko na.
Note: If I'm in a relationship, I'm the jealous paranoid type but patient enough to understand and handle a serious long term relationship. (Ibenta ba daw ang sarili.. Haha!)


You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone. You work hard not to rock the boat.
May naalala lang ako sermong sinabi sakin sakin, "Alam ko kaya mo magadjust, nakita ko un pano mo gawin un para sa iba. Mahaba pasensya mo, sobrang haba, hindi ba mapapatid yan? Oo marunong ka umintidi, inintidi mo nga lahat kahit hindi mo na kaya, eh ikaw naiintidihan ka ba? Ang bait mo kase masyado, hindi mo ba nakikita naabuso ka na?"

Your easy going attitude brings people together.At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together.
"What you see is what you get.." That phrase is not applicable to me. Hindi ako mukhang approachable at hindi ako mukhang friendly. Pero hindi ko iyan ang makukuha kong description sa mga kaibigan ko. Masungit na mataray pa, malandi, akala mo naman kung sino hindi naman maganda, wag yan marami namang iba dyan, yan ang ilan sa mga comment natatangap ko sa ibang taong hindi ako kilala.
Pero eto lang yan eh, hindi ko sinasabi na kilalanin ninyo ko at hindi ko rin sinasabi na gustuhin ninyo ko, pero hindi ninyo pwede husgahan ang isang taong hindi ninyo lubusang kilala. Kaya ang sagot ko, "Kiber! Hindi nila ko kilala para sabihan ako ng ganon, I can't please everbody and I won't, unless I want to. If they dont like me, who gives them the idea that I do like them."
Bow!


di ako makapagsulat kaya post ko na lang muna ito :sigh:

Thursday, March 5, 2009

Bag

Waaahhh nawawala ang susi ko! Kung kelan naman nagmamadali ako dahil paulan na, ang malas ko naman, nasa harap na ako ng gate pero nakalock. Badtrip!May maliit na pouch/inside pocket/secret chuvaness ang bag na gamit ko, kung saan ko nilalagay ang kumpol ng susi ko, susi ng gate, ng main door, ng stockroom at ng kwarto ko ang sama-sama sa keychain na bigay pa ng tita ko. Pero wala dun ung keychain na may susi ng gate, maindoor, stock room at kwarto ko. Ano ba naman kasing bag 'to, hindi ko maayos ayos ang gulo-gulo. Dapat na siguro ko bumili ng bag organizer ng hindi ganto.Araw araw bago pumasok sa opisina, hindi ko man maayos ang bag ko, sisiguraduhin ko naman kompleto ang laman nito. Ang wallet, coin purse, kikay kit, payong, reading glasses, shades, ID's, cologne, panyo, tissue, suklay, swiss knife, ballpen, celphone, charger at susi, yan ang mga bagay na laman ng bag ko araw araw, hindi ko man magamit lahat, hindi ko mawari kung bakit kailangan dala ko silang lahat.

Parang buhay ko, maraming nang mga bagay, tao, pangyayari, sitwasyon, emosyon ang bumuo dito, may nadagdag may nabawas, may mga nananatili may iba rin nakakaligtaan at may nawala pero may dumadating din naman. At alam ko hindi ko man mapansin, daladala ko lagi yan.

Maraming nadadagdag na pangyayari sa buhay ko araw araw, kahit iisang direksyon lang tinatahak ko, meron parin bago sa bawat araw na lumilipas, nabawasan man ang oras na nakatakda sa buhay ko sa mundong ito sigurado naman ako sulit un.

Swerte rin ako kasi maraming mga taong parte na ng buhay ko, mga kaibigan, kamaganak, pamilya, mga nanatili at alam kong mananatili sa tabi ko, para sumuporta at umantabay. Mga taong kahit gaano ako katanga, kahit ilan beses ako magkamali, magmukmok, magalit, magsintemyento alam ko nandyan lang at iniintidi ako. Isa lang masasabi ko sa kanila, salamat. Meron din naman nakaligtaan, mga taong minsan dumaan at naging bahagi, pero alam ko hindi parin nawawala, alam ko nakaligtaan ko man sila, sa oras na kailanganin namin ang isa't isa, walang magdadalawang salita. Oo maling makaligtaan ang mga importaneng bahagi ng buhay ko, kaso tao lang naman ako, hindi ako perpekto. Sa kanila, paumanhin pero nais ko malaman ninyo na, hindi mawawala ang parteng inuukuphan ninyo sa buhay ko.Mayroon naman ibang taong dumating sa buhay ko, pero para umalis din, hindi ko hawak un, wala ko magagawa, kundi tangapin kung un ang tadhana, ang dumaan sila at umalis din. Minsan nagtatagal, minsan nagugulo lang, ung iba papangitin ka para paiyakin pagkatapos. Hindi ko maalis kwenstunin na bakit ganon? Kung bakit sila na nga ung nakikidaan, magiiwan pa ng bakas ng sakit na siguradong mananatili. Parang vandal sa pader, patungan mo man ng pintura hindi mo maitatago na sa likod nun may marka nila.

Mahirap siguro talaga maintindihan ang mga bagay, hanggat hindi mo tanggap. Siguro isipin na lang natin na dadating din ung taong papalit, ung uukopa sa nabakante parte ng pagkatao mo, ung taong hindi na nanasising umalis sa puwang na iniwan ng nawala.

Lahat ng iyan bumuo, sumira, tumulong, nagpaluha, nagpatatag, nagmulat at gumulo sa buhay ko. At oo, tingin ko magulo parin hanggang ngayon, marami paring bagay ang hindi ko maayos, natingin ko dapat na ayusin. Palagay ko pa nga meron mga bagay akong hinahanap na nandyan lang, hindi ko lang nakikita dahil maraming nakasagabal. Siguro kung sasanayin ko ang sarili ko na iorganisa ang lahat ng mga bagaybagay sa buhay ko ngayon marami pa kong matututunan at matatanto.

Ayun nakita ko rin susi ko, nakapulupot sa ID lace ko, sa ilaim ng panyong napatungan ng payong sa loob ng bag. Buti na lang hindi pa bumabagsak ang ulan. Naka, bukas aayusin ko na laman ng bag ko, hmmm un eh kung hindi ako nagmamadali.


written Jan 22 '09 -chinkay-

Monday, March 2, 2009

Wala kang alam!

"Malandi ka!"
Nagulat ako nung may tumawag sakin ng ganyan, sa tanangan buhay ko wala pa nagsabi sakin na malandi ako ng hindi ako nakikipagbiruan. Naginit ulo ko, kumunot noo at kumulo ang dugo ko. Tatangapin ko na ung maarte, wag lang malandi iba kasi dating, pagiyong salita ang ginamit. Tapos sasabihan ako ng ganon, wala ka alam sakin!

Makalokohan ako yan madalas na sinasabi ng mga kaibigan ko na nakakakilala sakin, puro katrantaduhan laman ng utak, pero pagseryoso seryoso. Tahimik pag may problema pero magaling magtago at magpangap na ayos lang ang lahat. Pero hindi ako mukhang friendly or approachable di gaya ng nanay ko, miss congeniality kasi nanay ko, kahit sino basta ngitian lang siya kakausapin na niya un. Hindi ko na mana un sa kanya, kapareho ko ng ugali tatay ko, tahimik at mukhang laging nakasimangot, sanay nanaman ako na parang lagi ako mukha galit. Dinagdagan pa ng ugaling nakuha ko sa tita ko, maarte, mapili at mabusisi. Oo aminado ko, ganon ako, alam ko rin na hindi ako mabait, masungit, mataray at maangas daw ako tignan.
Kiber! Una hindi ako nanghuhusga ng tao ng hindi ko siya naoobserbahan o nakakusap, kaya madalas inaasahan ko na ganon din ang gagawin sakin ng ibang tao. Mali, sa mundong ito hindi mawawala ang makitid ang utak, mga taong mapanghusga at mga taong hindi nagiisip, sayang naman. (Yan ung mga taong pwede iauction ang bahaging iyon ng katawan, siguradong mahal kasi hindi pa nagagamit. Rare kung baga.)

Sabi nga madaling maging tao pero mahirap magpakatao. Hindi pinagaralan o yaman o estado sa buhay ang pamantayan sa mundong ito kundi ugali at kung paano ka makisalamuha sa iba. Hindi talino sa napagaralan ang basahean kundi talas ng isip kung paano makibagay at kung paano lumaban ng patas para mabuhay. Hindi antas sa lipunan kundi pagpapahalaga sa damdamin at respeto sa kapwa.

Kaya isa lang ang sagot ko sa nagsabing malandi ako, isang malamig na "Hoy, hindi mo ko kilala para sabihan akong malandi, gusto mo magpakilala ko?!


written Jan 19 '09 -chinkay-

Sunday, February 22, 2009

Complicated, Complications, Whatever

It's Complicated, This Love Thing
by TorturedTourniquet

It's complicated, this love thing.
It makes you think of who you are.
It makes you wonder what you need.
It makes you choose sometimes.
It makes you hurt inside often.
It makes you warm when you're all alone.
But most of the time people are the one who makes it too complicated.



**I never imagine my self being too complicated. Neither did I see my self more than ordinary. Well I am ordinary, one who would never stand out in the crowd, one would just walk there and no one would bother to look at. Doesn't matter.
Hell I care if people won't notice, I don't need, never wanted any attention.

But who am I?
Friends would say, I'm the snobbish, silly, unpreditable person they'll ever meet. My mom would say the laziest, ill-tempered, weird, loving daughter she'll ever had. My dad would probably just tell you the wittiest sweet girl in town(Nax! I love my Dad..). My brothers? Hmm my broes, their annoying ever gengerous but vicious Ate in the world..
All those makes me laugh(mas maraming negative kesa positive, hahaha..). Well, can't contest on that, honestly those are facts. If I'll be describing my self.. I'm the most ill-tempered, patient, snobbish, nice, evil person you'll ever meet..

I'm unpredictable, yes I'm. I think before I speak but I often regret my actions, but hey I'm just human I commit mistakes and learn from them. (I'm hoping that im really learning.. haha..)Someone says I'm unreadable. Hmmm.. I know I don't look approachable but me being unreadable, that never crossed my mind. That I can conceal my thoughts. I think I'm to moody for someone not to know what I'm thinking. I'm still puzzled on this. But one idea hit me about this, I never let people see my weak side, my other side who's longing and wanting to be understood. People see me as the tough one, someone who can came up with the brightest idea and the best solution on a given situation. Wrong!
If I'm that kind of person I'm not supposed to be hurting. I'm not supposed to feel miserably weak at some point. Darn, I'm the most undecided, confuse, shattered person I've ever known..

written Dec 27 '08 -chinkay-

Coloring Book

Most of us are looking and still waiting for the right person to come along.. minsan pa ung iba naiinip kakahintay.. sinasabi na bakit hanggang ngayon wala pa.. bakit ung iba meron nang nagmamahal at minamahal sa buhay..

Pero isipin na lang natin na ganto..tayo ung huling pahina sa coloring book ng isang tao.. kahit na maraming pahina ang nadaanan nya at kinulayan.. makukulayan ka, maghintay ka lang.. pudpod man ang krayola pagdating sa'yo, pero sigurado ka naman na hindi na siya lalampas sa mga guhit mo.. at wala nang next page dahil huli ka na sa coloring book ng buhay nya..

Thinking that it would be the last coloring book of somebody's life.. That, one never gets tired of trying and finishing the coloring book.. Waiting is worth it..

Make sense..


written Dec 04 '09 -chinkay-