Showing posts with label desisyon. Show all posts
Showing posts with label desisyon. Show all posts

Tuesday, March 24, 2009

Bukas

Bukas bagong araw nanaman, magsusulat nanaman ako,
tatawa, mangungulit, magiisip.
Bukas hindi ko na titignan o babalikan mga messages mo,
paulitulit ko na kasi binasa ngayon, tama na siguro un.
Bukas hindi na ko galit, hindi na ko magmumukmok, hindi na ko iiyak.
Bukas hindi na kita iisipin, itatago ko na lang lahat ng alaalang iniwan mo.
Parte ka na ng buhay ko, ng nakaraan ko,
wala na ko magagawa dun at tinagap ko un hindi mo man hiniling.
Bukas haharapin ko na buhay ko, buhay na malamang hindi ka kasama,
hindi ko ginusto pero ganon ata talaga.
Bukas hindi ko man alam kung ano nakalaan para sakin,
makasalubong man kita muli o hindi,
ano man ang mangyari, tingin ko kakayanin ko na.

Sunday, March 22, 2009

Sermon

Oh akala ko, ok ka na? Kala ko ba napagusapan nanatin yan, nung huling beses tayong nagkita, basag na basag ka pa nun, laklakin mo ba naman ung tatlong litrong red horse. Eh anong ineemote-emote mo dyan ngayon? Akala ko ba ok na, makakaya mo na.

Sign?! anak ng tokwa naman, ano pa bang sign hinihingi mo, ang mabuntis si Bebe Gandanghari? Neng parang sinabi mo na for life ka na magiging ganyan.

Sabihin mo nga ulit sakin kung ilan beses ka na umiyak, nagmaktol, nagalit, naghurumintado, nayamot, naasar pero iisa lang naman nirereklamo mo sakin, siya. Nung nakaraan mga araw, galit na galit ka, kulang na lang eh basagan mo ng bote ung magbabalot na dumaan, dahil sabi mo tinatarantado ka, ginagawa kang tanga ng lalaking un. Tapos ilan araw lang eto ka nanaman, ano bang klaseng utak meron ka gurl?

Nandun na tayo mahal mo, putchang pagmamahal naman yan! Mahal mo nga, eh mahal ka ba? Importante ka ba sa kanya? Ni hindi nya sinabi sayo kung ano ung totoo, malalaman mo na lang ganon, ganto. Tapos ano? Wala. Kelan ba nasagot lahat ng tanong sa utak mo? Kelan ba dumating ung point na wala ka na agamagam? Oo masaya ka, fine, napapangiti ka nya, fine, naramdaman mo importante ka sa kanya, fine parin, pero gaano katagal un? 2 days, 3 days tapos ano, wala nanaman. Sabi mo nga nagmukha ka nang katawatawa sa harap ng mga kaibigan nya. Oo nasaksihan ko un, gusto na nga kita dagukan eh, kaso naawa ako sayo, pinagtatawanan ka na nga, babatukan pa kita.

Tapos hihirit ka ng what if what if dyan ngayon? Eh ilan beses ko rin ba sinabi sayo na hindi matatapos ang kalokohan mo kung lagi ka na lang aasa sa what if mo. What if kayo talaga? Eh what if hindi naman pala. Sus may anak na ung tao, hindi kasal, fine.. di pa tali, ano naman ngayon? Meron naman dyan walang sabit, single, mabait, mapera, gwapo pero ano dinahilan mo sakin, kesyo hindi mo mahal. Punyetang pagmamahal yan. Ilan beses ka na ba ginago nyan ha? Dalawa o tatlong beses na? Tapos pagbumalik sayo konting lambing lang, konting sabi lang ng "ikaw naman talaga mahal ko eh", bibigay ka na agad. Gaga ka rin kase, kung una pa lang hindi mo na hinyaan mangyari, kung una palang hindi mo na siya tinanggap pabalik edi sana hindi na naulit. Ang bait mo kase eh hindi ka marunong magsalita, nagmumura ka na sa loob mo, pero oo at hindi parin lang sagot mo, ni hindi mo masabihan ng panget na bagay ung isang un, kahit totoo naman.

Dadahilan mo sakin kesyo mahal mo, mahal mo pero umiiyak ka naman ngayon. Eh yang lalaking yan, sigurado ka bang mahal ka nya? Kung mahal ka nun, ipapakita at papatunayan nya un sayo, kahit anong pang delubyo mangyari. Kung mahal ka nun hinding hindi ka nya sisisihin kahit gaano pa kabigat ginawa mo kasalanan, meron man o wala. Kung mahal ka nun, hindi ka nya gagawin dahilan sa mga pagkakamali nya. Kung mahal ka nun hindi ka nya pagmumukhaing tanga o kakawawa, saharap ng kaibigan nya, kaibigan mo at sa kahit sinong tao. Kung mahal ka nun kahit sinong dyosa ang lumapit sa kanya hindi ka kapagpapalit nun. Kung mahal ka nun hindi ka niya sasaktan intensyonal man o hindi.

Nakita mo na ba sarili mo sasalamin? Almost 15 years na tayo magkakilala, never kita nakita ganyan kamiserable. Please lang konting respeto, at mahalin mo naman ulit sarili mo, ikaw lang at wala nang iba makakatulong sayo. Alam ko tanga ka, martir ka, bulag, eh kapansanan mo na yan, wala na ko magagawa. Pero ikaw meron, alam mong may gamot dyan, ayaw mo lang inumin. Bakit, kc mapait? Hindi mo gusto lasa? Eh paano kagagaling?


Disclaimer: Ito ay para sa kaibigan kong si Mae. "Gurl gising na sisimulan pa natin ung bagong libro, ikaw ang writer, buhay mo ang topic."

Monday, February 23, 2009

Backspace, Delete at Ctrl+Z

Lagi ako sa harap ng computer sa trabaho at kahit pagdating sa bahay computer parin ang kaharap ko. Kaya madalas napapaisip ako, bakit kaya sa buhay walang backspace, delete o undo, kung meron lang sana edi sana mas madali ang buhay natin ngayon. Madami narin ako maling desisyon sa buhay kahit pa pinagmamalaki ng nanay ko na proud siya sakin dahil nakatapos ako at hindi natulad sa ibang mga pinsan ko na nakapagasawa ng maaga, meron parin ako mga pagkakamali kahit papano, at tingin ko inevitable un. Hindi nga lang ganon kalaki ang epekto na tipong pati mga magulang at pamilya ko ay damay. Pero ang sigurado ko sa mga pagkakamali kung iyon apektado ako, ang pagkatao ko at ang paniniwala ko. Kaya madalas kong isipin sana kaya ko na lang gamitin ang backspace sa lahat ng panget na nagyari sa buhay ko para mas madali. Delete ang mga sad memories na hanggang ngayon eh naalala ko parin. Kung pwede lang mag-undo sa bawat maling desisiyon para hindi ako nagiging emosyonal, di sana mas madali wala ng "senti moments".

Pero hindi kase ganon, sa buhay touch move and lahat, paggumawa ka ng desisyon, ihanda mo na lang sarili mo sa mga mangyayari at kahihinatnan. Oo pagiisipan mo yan ng makailang libong beses pero anu't ano pa man hindi mo parin alam kung ano mangyayari bukas.

Ang sakit sa ulo, bakit ba naman kasi ang damidami kong dapat isipin o mas tamang sabihin na ang dami kong inisip, minsan gusto ko na magreklamo kay Lord kung bakit nya ko binigyan ng active braincells, gift ba 'to o pahirap. Madami akong naaalala, mga bagay na gumugulo sa isip ko hanggang ngayon, ang masakit hindi lang basta basta memories un, mga parte na nanunuot sa damdamin. May kirot sa dibdib kahit alaala lang mga yan. Panghihinayang ba? O agamagam? Duzko Lord pwede bang pagpahingahin nyo muna sa pagtatrabaho mga braincells ko, kahit isang araw na day off lang.

Eto ung mga oras na gusto ko na lang sana gamitin ng backspace, delete or undo, para mas madaling gawin at isipin ang mga bagay bagay, para hindi ko na maramdaman ung sakit, ung pait na dulot ng mga alaala. Ang kaso kahit anong pindot gawin ko sa keyboard ko, kahit ilan beses ko pa gamitin ang backspace, delete at ctrl+z, ung document sa monitor ko ang nababago, pero ang pakiramdam ko ganon parin.

Pero sandali, sigurado ba ako na ganon ang gusto kong mangyari? Mas gugustuhin ko na nga lang bang na ibasura ang parteng iyon ng buhay ko? Kung magkakaganon ibig sabihin, pati ung mga bahagi ng buhay ko na kahit papaano eh nakapagpangiti at nakapagpasaya sakin eh mabubura din. Mahirap naman kasing bahabahagi lang ang mabura, parang magiging chapter ito ng isang libro, na kulang kulang ung detalye, parang hindi maganda. Kung iisipin, mas mabuti pang wag na lang isama ung buong chapter. Pero un nga ba ang gusto ko? Ang tangalin ang buong bahaging iyon ng buhay ko?

Sa ngayon nagdadalawang isip na ako kung nanaisin ko magkaroon ng backspace, delete at undo sa buhay ko. Naiisip ko kasi maraming masasayang, nakakapanghinayang rin naman. Siguro mas mabuting isipin ko na lang na, natuto ako sa mga pagkakamaling iyon. Itatatak sa isip na hindi madaling masaktan kaya sisikapin ko na lang na hindi na maulit iyon. Pagiisipan ng makailang milyong beses ang bawat gagawin ko, kasi pagnagditiw ka na ng desisyon, wala ng bawian.


written Jan 13 '09 -chinkay-