Saturday, August 22, 2009

Thoughts - Ako Mismo

Ang tagal ko rin pinagpalanuhan kung paano makakuha ng ako mismo dog tag. kaya ito mismo lumapit sakin hahaha. Every other friday may bazaar sa office namin and this week ang theme ng bazaar ay "I CARE". Kaya lahat ng nagtinda sa eh puro may purpose ang pagdadalan ng money, at kasama dun ang Ako Mismo Campaign. Nakabilirin ako ng Premium Dogtag sawakas may kasama pa siya ngayon na rubber something hindi ko kase alam kung ano tawag hahaha.


One officemate commented "Bigla sulputan yang mga filipinism theme no? Samantalang dati dinedema lang natin ung Pidro shirt na halos nagsimula niyan."
Come to think of it my point siya, bakit parang lately lang tayo nagkaconcern sa bansa natin, ang paging proud na pinoy. Ako, ninais ko rin naman makapunta sa ibang bansa, ung tipong magstay dun kahti sandali, lalo na sa Washington, nandun kase ung ibang kamaganak namin. Pero tulad nila hindi ko rin ninais na dun manirahan habang buhay. Iba parin talga dito sa pilipinas eh. Kaya kahit pa sabihin nila na nakikiuso lang eh ok lang un, may kanya kanya tayong dahilan kung bakit natin binibili o tinatangkilik kung ano man ang nauso, better late than never ika nga.
Sabihin man ng ibang tao na nakikiuso ka lang ikaw parin sa sarili mo ang may alam ng totoong dahilan at hindi mo na kailangan magpaliwanag pa sa iba.

No comments:

Post a Comment