Thursday, January 28, 2010

Tsuyses

Pinipili mo ang lahat ng bagay na nangyayari at ginagawa mo.
Pinili mong bumangaon sa umaga pagpapasok ka sa opisina o humiga muli para matulog pa kaya nagmamadali kang lumayas papasok para lang maipit sa buhol buhol na traffic sa daan.
Pinili mong maglakad kesa sumakay sa tricycle para lang maputikan ang bago mo sapatos, nakatipid ka nga sira naman sapatos mo pagod ka pa.
Pinili mo rin na maginom kasama ang barkada buong magdamag kesa magreview para sa klase mo kinabukasan, badtrip na hangover, wala ka pa masagot sa exam.
Pinili mong magpuyat araw araw kakaayos ng farm mo, kakafight sa mga kamafia mo at kakaluto sa cafeworld mo sa facebook kesa matulog kaya inaantok ka sa trabaho.
Pinili mong manood ng tagalong action movie para malaman mo na sa huli parin dadating ang mga pulis sa isang bakanteng pabrika o bodega para makitang tapos na ang laban at nasagip na ang seksing babae ng bida sa pelikula.
Pinili mong sumakay sa FX para lang makita sa unahan ang ex mo kasama ang syota niyang mukhang bakla. Bubulong bulong ka pa at magtetext sa barkada para ipamalita ang kabiteran mo dahil sa nakikita.
Pinili mong suwayin ang mga magulang mo at maging palaboy na lang sa lansangan.
Pinili mong malulong sa sugal, babae, alak at droga para saan? Para masira ang buhay at kinabukasan mo?
Pinili mong magpakamartir, loser at tanga kahit pwede ka naman bumitiw at magmove on na, 6 year na kayong hiwalay teh tama na ilusyon.
Pinili mong maghintay sa wala, umaasang babalik siya at matatagpo kayong muli.
Pinili mong gawin ang gusto mo kahit alam mong mali ito.

Pinipili natin lahat ng desisyon natin sa buhay, hindi totoong no choice, dahilan lang yan. Marami mga desisyon ang nakasalalay sayo. Maraming magiging sapantaha ang ibang nakakakita sa mga desisyon mo pero nasa iyo kung paano mo ipapakita na hindi ka katulad ng iniiisip nila. Ang mahirap lang eh ang mapatunayan mong tama nga sila at di ka naiiba sa taong inaasahan nila.

No comments:

Post a Comment