Thursday, August 13, 2009

Usapan

Sabi ng tatay ko lahat ng bagay nadadaan sa mabuting usapan, pero sabi ko mas madali ata ung maboteng usapan, masaya pa! Marami ka malalalaman, maririnig at matututunan. Hahaha! Masarap makinig sa usapan sa isang lamesang puno ng pagkain at iba't ibang inumin, lalo na ung mga nakakalasing.
Nandyan na ung payabangan, "Yan si Myrna kaunting bola na lang mapapasagot ko rin yan. Anu pa ba hahanapin niya sakin, magandang lalaki na ako may matino pang trabaho". Kamukatmukat mo hanggang ngayon wala parin siya syota.
Pagalingan, "Oy, pare wag mo na pagawa ung radyo ninyo sa electrician dalin mo na lang sa bahay bukas, kaya ko ayusin yan hik!" Pagdaan mo naman sa bahay nila kinabukasan makikita mong nakakalat ung mga piyesa ng radyo sa sala idamay mo pa ung elesi ng electric fan sa sahig na pinaglalaruan ng bunsong anak niya.
Payamanan "Mga pare, anu bang magandang sasakyan ngayon, nakakuha kase ko ng bonus sa opisina, ibibili ko ng bago kotse papalitan ko na ung luma ko." Sagot ng kainuman "Pare anu ba ung luma kotse mo? Sandali may kotse ka ba?"
At ang walang sawang kumbinsihan na hindi pa lasing, "Di pa ko lasheng, tara inom pa tayo, tagay hik!" sabay lakad ng pagewang-gewang dahil maiihi o masuka. At pagkatapos maririnig mo na lang na naghihilik sa upuan sa isang sulok.
Minsan pa mauuwi yan ang huntahan sa pagtatalo, sa away at gulo, nagkakasakitan pa kung minsan. Pero pagnag-abot ka na ng tagay eh ayos na ulit, bati bati na, tuloy ang inuman at kwentuhan. Parang walang nasakatan, walang pagtatalo, walang nagyaring gulo.

Hindi maiiwasan ang hindi pagkakasundo kahit pa mababaw lang ito, hindi maaalis na magkasalungat ng bawat isa, sa mga panananaw, gawi at opinyon. May kanya kanya tayong ugali, walang dalawang tao ang magkapareho. Bawat isa sa atin, iba.
Yan ang madalas na dahilan kung bakit may nagkakainitan ng ulo. Madalas hindi nagkakatugma ang sa nais ang dalawang tao sa isang bagay. At dahil ni isa sa kanila ay ayaw magpatalo at ni ayaw pakingan ang bawat isang, mas lalong walang mangyayari, lalaki lang at hindi matatapos ang pagtatalo.
Kahit mahirap, minsan mas mabuti ang manahimik muna at makinig kesa sa salubungin ang init ng ulo. Hindi ba mas malalala ang resulta pagnagkabangaan ang dalawang humaharurot na sasakyan? Kadalasan walang nakakaligtas. Pero mahirap din naman magpigil ng galit kase pagnapuno yan kung hindi aapaw, siguradong sasabog. Ang gulo diba? Pero tingin ko, dapat lang natin matutunan ang makinig at magisip muna bago magsalita. Ang kontrolin ang galit at emosyon. Ang maghinayhinay sa bawat salitang binibitawan. At magpaubaya paminsan minsan.
Ang tanging magagawa natin para magkaintindihan ay ang pahalagahan ang bawat isa. Kahit sino pa siya, kahit gaano pa kasama ang isang tao, kahit hindi mo siya gusto hindi masamang makinig kahit sandali. Malay mo, meron kang mapulot na magbibigay daan para sa ikabubuti mo. Mabuti man un o masama, makakatulong o hindi, may ibig sabihin parin un, may laman, nasa iyo na lang kung paano mo tatangapin.
O sya tagay na!

2 comments:

  1. OK, TAGAY PA! :lol:

    Scientifically, no two things are EXACTLY ALIKE. Siguro nga kahet inde ka scientist, you will easily agree to that fact. Differences of each and every one of us make the world go round.

    Balik tayu sa "maboteng" usapan...

    May mga taong nasasabi lang ang "gusto" nilang sabihin kapag sila'y nasa ilalim ng ispiritu ng alak. Alcohol fuels and drives out the hidden desires, unexpressed words and concealed feelings. Kaya nga daw masarap maging bespren ang alak, no matter what consequences or negative effects it may bring.

    Anyway, i strongly believe na nasa nainum yan. It really depends on how much he/she can carry to bear...kung ilang porsiyento ang dpat ilagay sa sikmura...at sa utak!

    Tagay pa!

    :)

    ReplyDelete
  2. hmmm.. di ko pwede segundahan yan pero yan may idea ko sa susunod ko isusulat

    ReplyDelete