There are things that you cannot control. Oras, panahon at paniniwala ng ibang tao. Minsan mas makakabuti talaga ung manahimik na lang at wag na isipin ang pwedeng iniisip ng iba. Mas marami ka dapat asikasuhin sa buhay mo kesa ubusin ang oras sa pagiisip ng kung ano iniisip ng iba tungkol sayo. Hindi mo kontrolado ang bawat galaw ng ibang tao pero ang sayo ikaw lang ang pwedeng magdesisyon noon. Marami bagay ang hindi mo maiintindihan sa iba, di tulad sa pagkakakilala mo sa sarili mo.
Minsan kailangan mo na lang gawin ang parte mo ng walang hinihintay na kasagutan o kapalit, mas mahirap umasa sa wala.
Minsan maganda intension mo para sa iba pero minamasama naman un ng karamihan, wala ka naman magagawa dun. Minsan gusto mo lang linawin sa iba ang isang bagay pero nakakasakit ka pala, hindi mo naman hawak un, hindi naman un ang intensyon mo eh. Minsan halos lahat na ng paraan nagawa mo pero wala parin pala, anu na gagawin mo? Ipipilit mo ba ang ayaw? Minsan mas madaling iasa nalang sa "bahala" ang lahat. Sa paraan na un hindi ko na kailangan pangmayamot kakaisip kung bakit, paano, saan, kelan at ano.. Tutal nagawa mo na ang dapat diba?
Hindi naman masama isipin mo ang sarili mo, wala naman ibang tatangap, magmamahal, at makakauwa sa sarili mo kundi ikaw rin. Siguro naman panahon na para ikaw naman ang magbigay daan para magawa naman ng iba ung parte nila.
The Best 9 New Hair Styles For Men 2020
2 years ago
No comments:
Post a Comment