Past.
Yan ung bagay na iniwan ko na, mga nakalipas. Un ang alam ko. Pero bakit kase bumabalik-balik pa. Bakit ba hindi pwedeng magkaamnisya pagkatapos ng isang panget na pangyayari para naman masabi nating talagang nakaraan na siya at hindi na mababalikan pa. Bakit ung alam ko nilagpasan at iniwanan ko na eh parang nakikita ko nanaman sa kabilang kanto. Nanunubok, nakatingin parang may gustong sabihin. Pareho lang ba talaga un ng iniwan ko o namamalikmata lang ba ko?
Pero bakit hindi ko mapagkaila ang sabi ng utak ko na, pareho lang. May mga bagay na kahit itangi mo pa, alam mo parin sa sarili mo na pareho lang un, walang pagkakaiba, iisa.
Aaminin ko apektado ako, sino bang hindi? Naging bahagi yan ng buhay ko, hindi ko rin naman maiiwasang hindi tignan at usisain ulit. Hindi rin naman ako bato para hindi makaramadam ng kahit ano. Ang mahirap eh ang possibleng kakabit nito. Ung posibilidad na ibalik nito ung dating ako. Ayoko! Pero paano kung hindi ko maiwasan? Ano kaya ang pwede ko gawing paraan?
Present.
Kahit saan ako lumugar hindi na naging maayos ang kasalukuyan ko, lagi magulo. Laging komplikado.Gusto ko malaman ang bawat detalye na pwede ko malaman. Pero paano ko gagawin un, kung ang meron ako ngayon ay isang sulat na ilang ulit nang binura at pinatungan ng ibang tinta. Paano ko naman kase maiinitindihan kung hindi ko man lang mabasa kung ano gustong sabihin nito? May mensahe ba ito para sakin? O sinusubukan lang nito ang kanyang ankin kakayahan para malaman ang kahinaan ko?
Ginagawan ko ng paraan ang mga bagay na tining ko kaya ko lusutan, hanggat kaya ko susubukan ko parin para maliwanagan ako. Ayoko kaseng masabi ng iba na madali ako sumuko at lalong ayoko ng magmumukha ako tanga. Pero ang masalimuot, kadalasan kahit na solusyunan ko na ang isang bagay na gumugulo sakin, hindi ko mapapansin meron nanaman palang papalit para guluhin ang diwa ko, nakakawindang.
Kaya naisip ko ngayon hahayaan ko na lang muna, sasabay na lang ako sa agos. Tutal nagawa ko na ang dapat ko gawin, sapat na siguro un. Sana maisip din nito minsan, hindi masamang ipakatiwala sa iba ang nilalaman niya at siya mismo ang gumawa ng paraan para ipaalam ang dapat malaman. Hindi naman one way ang EDSA noh, hindi pwedeng puro pasulong ang takbo ng bawat sasakyan sa kalsada, lalong magkakatraffic, minsan kailangan mo din magmaniubra kung uuwi ka na para magpahinga.
Isa lang naman iniiwasan ko kung saka sakaling bitawan ko na talaga ang manibela. Ito ay ang magkaroon ng panghihinayang sa desisyong gagawin ko, pero tingin ko naman, wala. Sana nga.
Future.
Kahit na hindi ako ok ngayon, hindi parin ako nawawalan ng pagasa na maging bongga ang hinaharap ko. Hindi naman masama mangarap at umasa, lalo na kung meron
kahit katiting na liwanag kang nakikita. May pagkakataon na nasisilip mo na ito, pero hindi ka pa pamilyar, kaya may pagkakataon na nagdadawalang isip ka. Pero minsan hindi mo maiwasan hindi bigyan ng kahit onting pansin, ang kung ano man ang meron dun. Ngunit madalas dahil naoukupahan ng ngayon ang magulong utak mo, hindi mo magawang pagkaabalahan isipin kung ano ang mga ito, kung ano ibig sabhin nun, bakit nandun ung mga bagay na un. Ni hindi mo mabigyan pansin ang mga nasa harap mong naghihintay mapansin at mabalingan mo ng atensyon. May dahilan kung bakit nasa harapan mo lang sila kahit hindi mo pa mapansinin agad. Pero nasasayo nga lang kung paano mo sasalubungin at tatangapin.
Maayos naman siguro ang hinaharap ko, un eh kung sinisimulan at gagawin ko ang mga plano. Pero ano nga ba magiging resulta ng plano pagsinimulan mo na gawin? Talagang para sa hinaharap mo ba un na naghihintay lang kung kelan ka magkakaoras at panahon na subukang pagtuunan ito ng pansin? O baka ang resulta eh ang malaman mo kung ano ang hindi mo pa nagagawa para sa kasalukuyan mo? Posible din pagnagawa mo na ung plano, ibukas nito ang isip mo para malaman kung gaano pa kahalaga ang nakaraan binitawan mo para sayo.
Nak ng tokwa may past present at future pa ko nalalaman eh kalokohan at kadramahan lang naman ito.
The Best 9 New Hair Styles For Men 2020
2 years ago
No comments:
Post a Comment