Bawat kaldero may nakalaan na takip.
Parang kapalaran, tingin ko bawat isa sa atin may nakalaan na isang taong makakasama natin sa panghabang panahon. Pero hawak mo ito, ikaw ang makakaalam, kung anung tamang takip ang para sa iyo at kung kailan ka tatakpan.
Marunong ka ba magluto?
Hindi lahat marunong at masarap magluto, ang iba gumagamit ng recipe book para malaman natin kung ano ang kailangan sa isang putahe at kung paano ito lutuin. O kaya nama'y magtatanong sa iba para malaman kung paano. Pero may pagkakataon na nagkakamali parin tayo, hindi masarap ang kalalabasan, kulang sa timpla at kung mamalasin ka pa masusunog mo niluluto mo.
Pero hindi tayo matututo kung hindi tayo magkakamali, hindi rin tayo masasanay kung hindi natin susubukan. Minsan nga, dumadating tayo sa point na pinaghihinaan na tayo ng loob, at tumitigil tayo. Siguro na-disappoint na tayo sa nagawa natin, napagod malamang. Sa pagtigil na un tingin ko magmumuni-muni ka. Magiisip ng bagong strategy kung paano natin mapapasarap ang niluluto natin. Pero trial and error parin yan, pwede magwork ung plano pwede rin hindi. Ang kailangan lang ay ipagpatuloy at subukan parin. Isa lang ang tip diyan, sundin mo kung ano ang sinasabi ng panuto. wag ka magmarunong kung wala ka naman alam.
Ganto kasi, meron mga putahe na kapag lulutuin, minsan hindi pwede takpan kase kailangan mag-evaporate ng water para matira ung sauce at maging malasa ung pagkain na niluluto mo. Meron din naman mga lutuin na dapat tinatakpan para ma-trap ang steam sa loob at mapadali ang pagluluto. Pero madalas din naman na tinatanggal tanggal ung takip ng niluluto mo para makita mo ung laman diba? Para makita mo kung tama na ang pagkakaluto ng sahog o kung kailangan pa dagdagan ng pamapalasa. Minsan kailangan mo pa tikman para malaman. Hanggat di pa luto ung pagkain hindi magiging permanente o pang matagalan ung takip na nilalagay mo. At tatakpan mo un depende kung tamang oras na. Pero kinalaunan, tatakpan mo rin ung kaldero kase luto na ung pagkain at para hindi malangawan o madumihan, diba? Kelan un mangyayari? Pagluto na ung pagkain, pagtingin mo masarap na ung niluto mo ung tipong wala ka nang idadagdag.. Unless sinigang ito at kailangan ng patis at sili na kasalo habang kumakain ka.
-written March 18, 2009
The Best 9 New Hair Styles For Men 2020
2 years ago
No comments:
Post a Comment