Darn I'm stuck in the middle, I hate what I'm feeling. Eto nanaman ba ko? Ang bigat ng pakiramdam ko. Nakailang yosi ako kagabi pero I stopped, may kumirot sa left chest ko. Oh Lord wag naman sana sabayan pa ng health ko. I threw my cigarettes, darn sayang. Ang dami ko iniisip, bakit ba hindi na ko naging ok sa loob ng isang linggo. ONe good thing would happen then ang bilis bumalik ng karma.
I tried dealing with it today but I never receive anything back, fine hayaan ko lang baka ganon nga talaga. Sabi nga kung ikaw ung may kulang do your part then eventually maayos din. Peste, ilan taon ko na ba ginagawa ung part ko, lagi na lang ba ganto? I tried prioritizing my self lately pero bakit iba dating sa iba, it seems I don't care daw. Letche anu pa ba gusto niya?
Tapos akala ko ok na nitong umaga, hindi pala, its the same fcuking cycle. Ganon siya pag meron something, hindi naman pwedeng laging ako. Paano naman ako? I'm in this black hole for ages, I have my chance to leave before but I did't. I know how to move out but I can't, is it too late?
Hindi pwedeng laging ako, hindi ka pwedeng umasa ka saking for the rest of your life, may sarili rin ako buhay. If you can't help your self why would you expect me to help you. Hindi porke tumatangi ako ngayon eh wala ko pakialam, marami rin ako problema, wag kase puro sarili mo inintindi mo. Puro ko yabang, hangin, wala ka naman sinabi. Ang dami mo pinagmamaliki pero kanino ka ba umaasa, sabihin mo nga?
Tapos emotional black mail gagawin mo, sasabihin mo na hindi ka pa over. Anu naman magagawa ko dun? Ikaw yan, sarili mo yan, kahit anung sabihin ko dito na positive things kung ayaw mo tanggapin at magmove on wala mangyayari. Then you'll tell me that you're not asking for my help, pero paulit ulit mo sinasabi sakin yan. Anu ba gusto mo palabasin?! You just needed someone who will listen? Please, kilala kita, hindi mo kailangan un, ang kailangan mo tulog at awa ng ibang tao para hindi ka na kumilos para sa mga gusto mo mangyari. Pathetic, kelan mo ba marerealize un?
Sobrang matagal na ko pagod sa ganito, hindi ko lang alam kung paano sasabihin sayo. Sana marealize mo na kailangan mo muna ayusin ang sarili mo bago ka magreklamo, bago mo isisi ang mga bagay sa ibang tao. Wag mo iasa sa ibang tao ang pwede mo naman gawin.
Hindi ko na kasalanan kung isang araw hindi na ko tablan sa mga sinsabi mo, hindi ko na maintindihan ang pinapaintindi mo sakin, hindi na ko maniwala sa mga sinsabi mo, hindi ko na kakayanin na magtagal sa tabi mo kase natatakot ako mahawa sayo.
The Best 9 New Hair Styles For Men 2020
2 years ago
No comments:
Post a Comment