I badly need a life! Yan madalas ko sabihin sa araw araw. Hindi naman literal pero kung iisipin ko napakaboring at walng katuturan ng buhay ko (un ang palagay ko). Bakit ko nasabi yan? Ganto ang routine ko sa normal kong araw. Gigising ng 7pm ng gabi -ay hindi ko nasabi panggabi po akong tao, bampira kung baga ganto na ko sa loob ng mahigit tatlong taon- diretso sa kabilang pintuan para maligo, aabutin ng mahigit kumulang na 45minutes para matapos may kasamapang sigaw yan ng nanay ko na "Hoy Chinkay ang tagal mo nanaman dyan baka malate ka!". Paglabas diretso sa kwarto ko para mag ayos at magbihis kulang kulang 45minutes ulit hehehe! Kaya 30 minutes na lang ang matitira para bumyahe papasok sa opisina. Pagsakay ko ng jeep wala ko ibang nakikita kundi ang bag ko at ang sapatos ko kung nakayuko ako, pupungaspungas pa dahil inaantok pa ko bitin naman talaga ang 4 na oras na tulog diba? Yan ang dahilan kung bakit napagkakamalan ako mataray, suplada at masungit. Kahit kase meron ako kakilala na nakasabay ko sa jeep, hindi ko napapansin, hindi ko naman sinasadya ang ganon, hindi ko lang din kase ugali ang suyurin ng tingin ang bawat taong nakapaligid sakin. Ayoko kase nang may tumitingin sakin nakakailang kaya ganon ako sa ibang tao, umaasa na ganon din sila. Pero hindi naman ako ung tipong walang pakialam sa mundo, tinignan ko rin naman kung meron ako dapat ikabahala, maingat rin naman ako. Ayan sa tagal at bagal ni manong driver 15 minutes na lang natitira sakin. Ganto ang tumatakbo sa utak ko araw araw. Hehehe, pagbaba ko, isa pa sakayan para makarating sa opisina, sasabihin ko, pagmay 3 FX na ang dumaan at hindi dun ang ruta ko ibig sabihin magtataxi na ko gagastos nanaman ako para lang hindi ma late. Isipin mo kung nagmamadali ako at magtataxi uubos ako ng 110pesos na pamasahe papunta palang ng opisina, pero kung hindi naman eh 30pesos lang sayang ang 80 pesos ang dami na narating ng pera na un. pero no choice dahil late ako nagising o dahil tinatamad ako gumalaw kaya ang bagal ko kumilos tsk tsk. Pagdating sa opisina, log in, bubukasn ang PC at maghihintay ng ilang pangminuto para lang macheck ang mga email na kailangan ko sa araw araw. Chika dito chika don tapos trabaho na. lilipag ang walong oras nanasa harap ako ng monitor, siyempre hindi kasama dun ung break ko, walang kamatayang tangap ng email, basa, reply, send, tangap ng tawag, tangap ng email, basa, reply, send, tangap ng tawag, tangap ng email, basa, reply, send, tangap ng tawag, tuloy tuloy yan hanggang magalasais ng umaga yes! Uwian na ang tagal ko hinintay yan hahaha! Pagdating sa bahay, bukas ng tv check kung gossip girls na or america's next top model pag hindi pasok sa kabilang bahay at lakad dito lakad dun mga isang oras ako ganon. Pagkatapos manood ng tv Lifestyle chanel, mapapasin ko pasado alas nuebe na. Bubuksan ko PC ko at magcheck ulit ng walang kamatayang email, tatawagan tita ko para ayusin ang dapat ayusin, kakausapin lolo at tatay ko para magawa ang dapat gawin, balik sa monitor, matatanim naman, kakausapin nanay at lola ko tatanugning kung kelan kame pwede magshopping yeah! labdat! Magiisip, masusulat, mageemail, hindi ko na mamamalayan alasdos na nag tanghali ang bilis naman ng oras. Tapos kahit meron pa ko kailangan gawin papatayin ko na ang PC ko papasok sa kwarto at aayusin ang kama ko, hahanapin ang libriong hindi ko pa natatapos sa divider ko at hihiga habang nagbabasa. Hindi ko nanaman mamamalayan ang oras alas tres na pala (minsan alasquatro pa yan) tska ko palang ibaba ang libro at susubukan matulog, tapos nanaman ang araw ko. Ganon nanaman ulit mamaya paggising. Napapagod na ko, nakakasawa na rin, gusto ko naman ng bago. Bago trabaho siguro, bago pagkakaabalahan, bagong routine sa araw araw. San ko kaya pwede isingit ang lablyp, hmmm... wag nalang wala naman ako nun eh hahaha! Dadating din malamang un ng kusa, sa ngayon kailangan ko ng mga bago sa buhay ko para ganahan naman ulit ako gumising at sumulan ang araw ko.
No comments:
Post a Comment