Next, letche ganon parin si Coy hindi parin makaget over ng loko hahaha nakakatawa, nakakalungkot at iba na ung namimeeting samin ngayon, pero ok lang his around lang naman, palakad lakad, hindi makatiis kase lagi siya sa bay. Ceejay ask him "Coy anung ginagawa mo dito?" Coy answered "Gusto ko dito wala kase ko dun kilala, wala kausap."
Geezzz.. see that wala ako nasagot kahit na nandun lang din ako, hay, he'll come around ganon talaga, sanayan lang.
Kanina naman magkaIM kame ni Coy pati si Loiusse kaIM lang din si Coy, iba ung feeling ng kahit ka IM namin siya pero pag tayo ko sa station ko wala siya sa kabilang station, na tanaw lang namin pagtumayo kame. Hayz, minsan pagmaykailangan ako sa kanya, tatayo lang ako tapos lalakad sa right side ko tpos pag tingin ko sa station ibang tao na pala, parang mapapahiya lang ako sa sarili ko, nako dadating din time na hindi ko nagagawin un, na if I need to talk to him magiIM nalang ako or text sa kanya, sanayan lang yan..
Nakakaloka na isang request lang ni Coy sakin na gusto nya ng Mars Chocolate Bar, kahit niloloko ko siya na hindi ko siya bibigyan, eh still ayun pagkabreak ko ayun, nasa counter ako ng Ministop buying him a bar of chocolate, nakanang! Ganyan kame 3 nila louisse, kahit anong asar namin sa isa't isa we can't just simply say no, kahit anong mangyari. Magkatampuhan man at the end of teh day parang wala rin nangyari. Mauwi pa sa sigawan ang pagtatalo, isang yosi session lang wala na ulit at nagtatawanan na kame. I really get along with my co-leauges and supervisor kahit sa mga dating work ko, pero iba ung bonding namin 3 dito, magkakakunstaba sa kalokohan at katarantaduhan. Kahit nanay ko kilala si Coy at Louisse kahit hindi sila nagkakakita o nagkakausap. Ganon na ung takbo ng umaga ko, kakausapin ang nanay ko kung ano nagyari sa trabaho at hindi pwedeng hindi mapapagusapan si Coy at Louisse. Nako hindi ko na siguro maaalis yan ganyang gawi sa mga umaga sa buhay ko. Sanay na kase ko..
No comments:
Post a Comment