Mga tuyong dahon sa puno'y nalalagas
Nadating hitik sa bunga tulad ng kamias
Ang luntiang tumatabing sa iyong landas
Ngayo'y hindi maikubli ang iniwang bakas
Isang larawang kupas sa loob ng kahon
Kapirasong papel napaglipasan ng panahon
Dati rati'y iyong tangan at laging baon
Ngayo'y alaala na lamang na iyong kinuyom
Ang banayad na dampi nang sikat ng araw
Sa pagmulat ng mata'y kadalasa'y sumisilaw
At ang sigaw ng katauhang may tinig na bahaw
Ang gumising sa kamalayang may bagong pananaw
Sa pagpatak ng bawat oras na lumilipas
Kasabay ng kalendaryong unti-unting napipilas
Ang paglisan ng haring araw sa kanluran
Ay ang pananabik sa isang bukas na inaasam
Walang makapipigil sa paginog ng mundo
Pati narin sa lahat nang sumasaklaw dito
Isang araw, sa iyong paggising ay matatanto
Ang bagay na hindi natin hawak ay pagbabago

-written April 04, 2009
my-supposed-to-be-entry#2
para sa april poem contest sa symb kaso as usual DQ ako :rofl:
hmm.. uu nga noh.. isip ako iba title babaguhin ko..
ReplyDelete