Wednesday, April 1, 2009

Galera Team Building

Hayz, it took us sometime to go back in editing these pictures, sa totoo lang hindi parin tapos. We went to Galera last March 20 for our team building with all the preparation and excitement we never thought that it could be our last, that's reason why I haven't opened these photos and do our 'kalokohan thingy'. Nakakalungkot, nakakaiyak.. naiiyak ako habang sinusulat ko ito, di ko mapigilan eh.
PGR is one hell of a team, we treat each other more than officemates, more than friends, we are family, the family I had for almost 3 years now. One of the pioneer team who started the account. Alam namin na hindi permanent ang lahat, team members come and go, pero natira kme 3. Ako, si Loiusse at ang team manager namin si Coy, naalala ko madalas masisi si Coy kung bakit never kame nagpapromote ni Louisse, kung bakit hanggang ngayon agent parin kameng dalawa, sabi nga ng iba kung meron deserving mapromote sa floor kame un, we already proven our worth, dedication and capability but we already know how things work on the floor, promotion is never an option, resigination is.

Ngayon mag 3 years na kameng tatlo sa April 3, pero sa oras din na iyon mawawala na rin ang PGR, ang team na PASAWAY, ung MAINGAY, ung PALABAN, ung team na NUMBER 1 all through out, DREAM TEAM ng lahat ng mga tao sa office. Ngayon lang nagsink in sakin ang lahat, una hindi ako naniniwala na mangyayari ito. Bumabalik lahat alaala ng mga kalokohan namin, I can't even look at those picture na halos bumuo ng buhay ko sa loob ng tatlong taon. Hindi ito ang una kong trabaho pero ito ang hindi ko maipagpapalit sa kahit ano, hindi dahil sa wala ako ginagawa sa opisina kundi magchat, magforum at tumawa, kundi ung kahit pagod na ko, kahit ayoko na sa pesteng kompanyang ito, maalala ko lang mga team mates ko at maalala ko lang na magkukulitan kme sa opisina, napipilitan ako bumangon at magtrabaho. Ang hirap isipin na maiiba na ung nakagawian ko araw araw, Coy will be leaving the team most probably next week, ayoko, ayaw namin hindi sa selfish kme pero malaking kawalan si Coy, I can never look at PGR with our STM Coy, I can't imagine Louisse and me alone without him. Ung mga kulitan, usapan at sekreto namin tatlo, hay ayoko dumating ang April 3 ayoko mawala ang PGR. We've been behind each other all through out, nung nabuntis si Gracci, ung pagkakasakit ni Michelle, ung pagkawala ng celphone ni Harmon, ung muntik na pagiging parents ni Blue at Gretch, ung hindi pagsama ni Momi Jojie sa mga lakad, ang mga late ni Ate Cor, pagmomove on ni Ana, ang pagbuo ng Alabang Boys (Mark, Jason, Patrick, Earl, Marlon) at Ebola Boys (Ralph, Edwin), ung di pag amin na buntis ni Aling Sima, ang kakulitan ni Louie ang napaudlot na pagreresign ni CeeJay, ang pagiyak ni Aica dahil sa baby nya, ang TL namin si Norms, ung mga ampon namin sa floor sina Adtrian, John, Mike, Nikki, Jah, ung mga umalis pero kahit anong mangyari buo parin sila Richmon, Eshon, Lynn, Yves, Bogs, Ethel, Mikka, Alec, Mark, Russel, Phoebe, Greg, Mitch, Flory, Marsh. (nakalimutan ko ung iba update ko na lang pagnaalala ko..).
Hay ang hirap naman ng ganto, alam ko mangyayari pero bakit kung kelan nandito na ang hirap. Remembering all those times from day one until now hindi ko magawang hindi umiyak, parang normal na samin ni Louisse na kadamay si Coy sa lahat ng bagay, from food, events, celebration, problems and even decisions. Ang hirap ng wala si Coy, kahit na sinabi namin na magreresign kame, ang hirap pala gawin, ang hirap pala pagmanyayari na, totoong madaling sabihin pero mahirap gawin. Ang hirap isipin lahat lahat ng hindi ako nalulungkot, I know ganto rin ang nararamdaman ni Louisse at Coy ngayon kahit gaano kaganda ang pelikula, kahit gaano katatag ang grupo dadating rin pala ung part kung kelan sasarado na ang kuritina, kailangan talaga dumating ung tinatawag na END.

Ayoko, ayoko talaga. :'(

Eto ung ibang pictures, marami pa kulang diyan, hindi ko alam kung madadagdagan ko pa yan. mahirap pa para sakin tignan mga old and recent photos pacencya na kayo.. :(


PGR: Project Gotham Racing






4 comments:

  1. some good things never last :(

    :comfort:

    ReplyDelete
  2. naiiyak talaga ko kapatid, last week ko pa ito alam, pero umaasa kame na hindi matutuloy..
    things wont be the same.. never be the same again.. alam ko tumatawa kame lahat after ng shift.. nagbibiruan parin, ganon naman kame lahat.. iisa na takbo ng ugali, kilos at utak pagdating sa trabaho..
    pero pagnanahimik na sa kanya kanyang pwesto alam mo mahirap.. hindi na kapareho ng dati.. :'(

    ReplyDelete
  3. Hey, i just had the chance to read some of your entries and i never expected that the contents of your blog can move me. No I fully understand why you were so evasive answering some of my question.

    I know your having a hard time but i know you, the real you. You can easily bounce back from this. The other girl is correct,, nothing last forever that's why cherish and treasure those people who value the real you because nobody knows what tomorrow may bring.. I know, that we are no longer part of your "inner friends" (chew and me) but I hope you do know where to reach us..

    ReplyDelete
  4. gurl sorry if medyo wala ko sa mood lately..
    wala inner or outer sakin gurl alam mo un.. no matter what you and chew is part of my life no one could take that away, hanggat hindi ko pinapayagan.. kahit magkakalayo pa tayo well, hindi mababago kung ano meron tayo..
    di man tayo magusap for sometime, mawalan man ng communication.. iba tayo gurl.. alam ko dyan kayo for me at dito lang ako para sa inyo ni chew labya!

    ReplyDelete