Saan ka nagmula?
Sundalong magiting.
Isang tanod ng sigwa,
May gusto atang marating.
Sumabak sa unos,
Nang walang pagaalinlangan.
Sa kalabay nakipagtuos,
Salat man ang kaalaman.
Sa bawat hagupit,
Nang sandatang tangan.
Marka ng pait,
Di malaman ang pinagmulan.
Atensyon ba o pagkakakilanlan?
Ang udyok ng kamalayan.
Upang tadhana'y iyong subukan,
Sa walang katuturang digmaan.
Tatanungin kita kaibigan,
Alam mo ba kung ika'y nasaan?
Gumising ka, ito ang mundong nilikha,
Para sa mga taong mapagkaila.
Sundalong magiting.
Isang tanod ng sigwa,
May gusto atang marating.
Sumabak sa unos,
Nang walang pagaalinlangan.
Sa kalabay nakipagtuos,
Salat man ang kaalaman.
Sa bawat hagupit,
Nang sandatang tangan.
Marka ng pait,
Di malaman ang pinagmulan.
Atensyon ba o pagkakakilanlan?
Ang udyok ng kamalayan.
Upang tadhana'y iyong subukan,
Sa walang katuturang digmaan.
Tatanungin kita kaibigan,
Alam mo ba kung ika'y nasaan?
Gumising ka, ito ang mundong nilikha,
Para sa mga taong mapagkaila.
-written March 24, 2009
No comments:
Post a Comment