Monday, March 2, 2009

Wala kang alam!

"Malandi ka!"
Nagulat ako nung may tumawag sakin ng ganyan, sa tanangan buhay ko wala pa nagsabi sakin na malandi ako ng hindi ako nakikipagbiruan. Naginit ulo ko, kumunot noo at kumulo ang dugo ko. Tatangapin ko na ung maarte, wag lang malandi iba kasi dating, pagiyong salita ang ginamit. Tapos sasabihan ako ng ganon, wala ka alam sakin!

Makalokohan ako yan madalas na sinasabi ng mga kaibigan ko na nakakakilala sakin, puro katrantaduhan laman ng utak, pero pagseryoso seryoso. Tahimik pag may problema pero magaling magtago at magpangap na ayos lang ang lahat. Pero hindi ako mukhang friendly or approachable di gaya ng nanay ko, miss congeniality kasi nanay ko, kahit sino basta ngitian lang siya kakausapin na niya un. Hindi ko na mana un sa kanya, kapareho ko ng ugali tatay ko, tahimik at mukhang laging nakasimangot, sanay nanaman ako na parang lagi ako mukha galit. Dinagdagan pa ng ugaling nakuha ko sa tita ko, maarte, mapili at mabusisi. Oo aminado ko, ganon ako, alam ko rin na hindi ako mabait, masungit, mataray at maangas daw ako tignan.
Kiber! Una hindi ako nanghuhusga ng tao ng hindi ko siya naoobserbahan o nakakusap, kaya madalas inaasahan ko na ganon din ang gagawin sakin ng ibang tao. Mali, sa mundong ito hindi mawawala ang makitid ang utak, mga taong mapanghusga at mga taong hindi nagiisip, sayang naman. (Yan ung mga taong pwede iauction ang bahaging iyon ng katawan, siguradong mahal kasi hindi pa nagagamit. Rare kung baga.)

Sabi nga madaling maging tao pero mahirap magpakatao. Hindi pinagaralan o yaman o estado sa buhay ang pamantayan sa mundong ito kundi ugali at kung paano ka makisalamuha sa iba. Hindi talino sa napagaralan ang basahean kundi talas ng isip kung paano makibagay at kung paano lumaban ng patas para mabuhay. Hindi antas sa lipunan kundi pagpapahalaga sa damdamin at respeto sa kapwa.

Kaya isa lang ang sagot ko sa nagsabing malandi ako, isang malamig na "Hoy, hindi mo ko kilala para sabihan akong malandi, gusto mo magpakilala ko?!


written Jan 19 '09 -chinkay-

No comments:

Post a Comment