Tuesday, March 24, 2009

Bukas

Bukas bagong araw nanaman, magsusulat nanaman ako,
tatawa, mangungulit, magiisip.
Bukas hindi ko na titignan o babalikan mga messages mo,
paulitulit ko na kasi binasa ngayon, tama na siguro un.
Bukas hindi na ko galit, hindi na ko magmumukmok, hindi na ko iiyak.
Bukas hindi na kita iisipin, itatago ko na lang lahat ng alaalang iniwan mo.
Parte ka na ng buhay ko, ng nakaraan ko,
wala na ko magagawa dun at tinagap ko un hindi mo man hiniling.
Bukas haharapin ko na buhay ko, buhay na malamang hindi ka kasama,
hindi ko ginusto pero ganon ata talaga.
Bukas hindi ko man alam kung ano nakalaan para sakin,
makasalubong man kita muli o hindi,
ano man ang mangyari, tingin ko kakayanin ko na.

6 comments:

  1. aba :eek: nakikibasa ka lang..
    at oo hindi ko itatangi yan.. madrama talaga ko..
    hahaha

    ReplyDelete
  2. umuwi ka lang galing ng galera ang drama mo na :kilay: :rofl:

    ReplyDelete
  3. matagal na yan ma hindi ko naman sinulat yan after ng galera...
    matagal na nakaimbak yan :no:

    ReplyDelete
  4. wushoo palusot ka lang chinks.. :no:

    cno ba dahilan at ngdadram ka ngaun huh?? :naughty:


    :evillol:

    ReplyDelete
  5. hindi nga ako ang dadrama nyan.. matagal na yan

    ReplyDelete