Waaahhh nawawala ang susi ko! Kung kelan naman nagmamadali ako dahil paulan na, ang malas ko naman, nasa harap na ako ng gate pero nakalock. Badtrip!May maliit na pouch/inside pocket/secret chuvaness ang bag na gamit ko, kung saan ko nilalagay ang kumpol ng susi ko, susi ng gate, ng main door, ng stockroom at ng kwarto ko ang sama-sama sa keychain na bigay pa ng tita ko. Pero wala dun ung keychain na may susi ng gate, maindoor, stock room at kwarto ko. Ano ba naman kasing bag 'to, hindi ko maayos ayos ang gulo-gulo. Dapat na siguro ko bumili ng bag organizer ng hindi ganto.Araw araw bago pumasok sa opisina, hindi ko man maayos ang bag ko, sisiguraduhin ko naman kompleto ang laman nito. Ang wallet, coin purse, kikay kit, payong, reading glasses, shades, ID's, cologne, panyo, tissue, suklay, swiss knife, ballpen, celphone, charger at susi, yan ang mga bagay na laman ng bag ko araw araw, hindi ko man magamit lahat, hindi ko mawari kung bakit kailangan dala ko silang lahat.
Parang buhay ko, maraming nang mga bagay, tao, pangyayari, sitwasyon, emosyon ang bumuo dito, may nadagdag may nabawas, may mga nananatili may iba rin nakakaligtaan at may nawala pero may dumadating din naman. At alam ko hindi ko man mapansin, daladala ko lagi yan.
Maraming nadadagdag na pangyayari sa buhay ko araw araw, kahit iisang direksyon lang tinatahak ko, meron parin bago sa bawat araw na lumilipas, nabawasan man ang oras na nakatakda sa buhay ko sa mundong ito sigurado naman ako sulit un.
Swerte rin ako kasi maraming mga taong parte na ng buhay ko, mga kaibigan, kamaganak, pamilya, mga nanatili at alam kong mananatili sa tabi ko, para sumuporta at umantabay. Mga taong kahit gaano ako katanga, kahit ilan beses ako magkamali, magmukmok, magalit, magsintemyento alam ko nandyan lang at iniintidi ako. Isa lang masasabi ko sa kanila, salamat. Meron din naman nakaligtaan, mga taong minsan dumaan at naging bahagi, pero alam ko hindi parin nawawala, alam ko nakaligtaan ko man sila, sa oras na kailanganin namin ang isa't isa, walang magdadalawang salita. Oo maling makaligtaan ang mga importaneng bahagi ng buhay ko, kaso tao lang naman ako, hindi ako perpekto. Sa kanila, paumanhin pero nais ko malaman ninyo na, hindi mawawala ang parteng inuukuphan ninyo sa buhay ko.Mayroon naman ibang taong dumating sa buhay ko, pero para umalis din, hindi ko hawak un, wala ko magagawa, kundi tangapin kung un ang tadhana, ang dumaan sila at umalis din. Minsan nagtatagal, minsan nagugulo lang, ung iba papangitin ka para paiyakin pagkatapos. Hindi ko maalis kwenstunin na bakit ganon? Kung bakit sila na nga ung nakikidaan, magiiwan pa ng bakas ng sakit na siguradong mananatili. Parang vandal sa pader, patungan mo man ng pintura hindi mo maitatago na sa likod nun may marka nila.
Mahirap siguro talaga maintindihan ang mga bagay, hanggat hindi mo tanggap. Siguro isipin na lang natin na dadating din ung taong papalit, ung uukopa sa nabakante parte ng pagkatao mo, ung taong hindi na nanasising umalis sa puwang na iniwan ng nawala.
Lahat ng iyan bumuo, sumira, tumulong, nagpaluha, nagpatatag, nagmulat at gumulo sa buhay ko. At oo, tingin ko magulo parin hanggang ngayon, marami paring bagay ang hindi ko maayos, natingin ko dapat na ayusin. Palagay ko pa nga meron mga bagay akong hinahanap na nandyan lang, hindi ko lang nakikita dahil maraming nakasagabal. Siguro kung sasanayin ko ang sarili ko na iorganisa ang lahat ng mga bagaybagay sa buhay ko ngayon marami pa kong matututunan at matatanto.
Ayun nakita ko rin susi ko, nakapulupot sa ID lace ko, sa ilaim ng panyong napatungan ng payong sa loob ng bag. Buti na lang hindi pa bumabagsak ang ulan. Naka, bukas aayusin ko na laman ng bag ko, hmmm un eh kung hindi ako nagmamadali.
written Jan 22 '09 -chinkay-
The Best 9 New Hair Styles For Men 2020
2 years ago
No comments:
Post a Comment