Wednesday, March 18, 2009

Regalo

New year na at tapos na ang first sunday ng January, pagising ko kanina umaga tinatangal na ng nanay ko ung christmas tree sa sulok ng sala namin. "Chinkay, ung mga regalo mo dito tanggalin mo na, magayos ka na ng kwarto mo, ayoko makita pakalatkalat mga ito dito."
Ako na lang ang hindi nagtatangal ng mga regalo sa ilalim ng christmas tree namin. Pagkatapos magalmusal, nakadalawang balik ako sa sala para maipasok ang mga regalo sa kwarto ko, unti lang un pero natambakan kama ko. Sus dagdag kalat nanaman ito dito. Game na, tangalin ang gift tag, itago sa small box , para may reference ako for the next holidays. Itapon ang gift wrapper at itago ang paper bag sayang eh, pwede pa magamit. Nang matapos ako, I got a couple of shirt, books, planner, perfume, flipflops and tumblers. Anak ng, bakit ako bumili ng libro at shirt nung isang linggo, eh meron papala dito. Tsk tsk tsk.

Madalas marami tayong mga bagay bagay na naiisan tabi, hindi natin pinapansin, dinadaandaan lang, akala kase natin nanadyan lang. Hindi natin alam na may role pala silang gagampanan sa buhay natin. Parang isang taong nandyan lang, lagi naghihintay na mapansin mo, pero dahil abala kakaisip sa iba, kakahabol sa taong gusto mo, hindi mo na siya napapansin. Minsan huli na, pagpinagtuunan na natin ng oras, panahon at atensyon, hindi na tulad ng dati, iba na pala purpose nya, malamang nagsawa, napagod at nawalan na ng pagasa. Sayang.

Napasin ko meron mga regalo na nilapag ko sa gulid ng kama ko, regalo na hindi ko naibigay. Ung isa sa inaanak ko, ipaaabot ko na lang. Meron sa officemate ko, bibigay ko sa tuesday pagpasok. Eto kay Nikki, matext nga at lagi naman tambay dito un malapit samin. Ung isa papatawagan ko sa nanay ko at ung isa papa-ship ko sa Davao. Pero may isa pangnatitira, hindi nakabalot pero alam ko, may pagbibigayan dapat ako nun. Ito ang problema wala ko kakilala na pwede ko pagabutan para makarating sa kanya un, hindi ko rin siya nakikita o nakakasabay, wala rin ako direct number para macontact at hindi ko alam ang address niya para ipadala. Asar, binigyan pa ko ng problema. Ano nga ba gagawin ko dito, isang pares nangblue slippers, hindi ko naman pwede gamitin dahil paniguradong malaki sakin 'to, hindi kasya sa tatay ko malaki rin, hindi rin kasya sa mga utol ko maliit naman. Susko naman, ano gagawin ko dito, isang pares ng tsinelas, ibebenta ko kaya, kanino naman? Hmmm, pagtinapon ko ito, (ung parang ginawa ni Rizal, pero sakin pares na siya)swerte ng makakapulot, makakatulong pa ko, pero paano kung walang makapulot tapos masira lang, sayang naman. Asar, ano gagawin ko dito?

Lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit sila ang eexist sa mundo. Bawat tao, pangyayari, lugar at sitwasyon na nangyayari sa buhay mo, maganda o pangit, lahat yan may dahilan. Parang ung tsinelas, ibibigay ko ito sa isang tao, nakalaan ito para sa kanya. Kaya hindi siya magkasya sa iba, walang bumibili at nakakapanghinayang itapon.

Maraming pangyayari sa buhay ko, nanaging daan para pangaralan ako, ang turuan akong unahin at mahalin ang sarili ko at malaman na kahit anong tago ang gawin ko sa likod ng maskara ng pagiging matapang, palaban at matigas, tao parin ako, marunong masaktan, umiyak at mapagod. May iba namang tinuruan akong magising sa katotohanan, na kahit gaano ako katanga, kamartir at kapraning sa taong mahal ko, isalang ang tanong sakin, masaya ka ba? Pinakita nila na may hangganan din pala ang kagagahan ng isang tao. Sa huli, isang tao lang ang dapat mo isalba, ikaw, sarili mo wala nang iba.

Marami na akong bagay na natangap, binili, sinaoli at pinahiram, alam ko na lahat ng iyon ay sadyang nakalaan para magkaroon ng kabuluhan ang pananatili nila sa mundo. Binigay man o pinahiram, ang alam ko lang, nagbigay katuturan sila sa buhay ko.

4 comments:

  1. Theres only a few people that could make me read things voluntary and your one of them hehe...

    Anu ba yan andaming ideas na kailangan kong isatula at they are all inspired by you grrrrrr bad ka you making my creative mind pop! :smack:

    ReplyDelete
  2. wala akong ginagawang masama :madslap:
    dyan ka ba nag ka idea? basahin mo chinkzssays meron pa dun :rofl:
    tats naman ako dun :blush:

    ReplyDelete