Monday, March 2, 2009

Hell Day 101

Hell day ngayon maygulay.. ayoko muna pagusapan, pero sumisigaw ng bonggang bongga sa utak ko. Eto nanaman ako sa instinct kong never nagkamali.. At sa mga nabasa kong sagot feeling ko confirmation un :ohno:.
Buong araw akong nasa loob ng kwarto, kalalabas ko lang, nabasa ko ata lahat ng pending ko libro, wala nanaman ako gagawin mamaya. Eto ung mga araw na ayoko eh, ung tipong ayoko na magisip at ayoko na intidihin mga bwisit sa buhay pero pilit silang nagsusumikasik "Hindi ba nila ko tatantanan!".

Tahimik akong tao, bihira ko magbigay ng opinyon ko lalo na kung tingin ko hindi maganda sasabihin ko, pero lately binago ko un. Naisip ko kase mas mabuti nang magsalita kesa mauwi sa isang rambol ang lahat dahil sa hindi pagkakaintindihan. Pero hindi ako marunong magsimula ng away, lagi ako nagtatanong muna para malaman buong storya bago ko manggera kung may dapat gerahin, hanggat mapapalagpas ko, papalagpasin ko yan, pero hindi nila malalaman kung ano inisip ko, iintidihin ko lang lahat.

Paano ko palalagpasin ang HELL DAY ng buo parin ako ganito:

1. Think of happy thoughts! Joke, hindi ako ganon tipo ng tao, lalo ko mababaliw kung gagawin ko yan. Kaya ginagawa ko, eh libas ang lahat ng sigawan na nasa utak ko. (c/o Dear Someone sa symb, pangtangal tension)

Dear Someone,

Sinabi ko lang laman ng utak ko, ang hirap kung tatago ko lang un. At sa reply mo sakin, your making me conclude na tama ung hinala ko. Now kung hinihintay mo sagot ko sa last text mo, you wont be receiving any. Hindi ako mang-aamo dahil mas wala ko ginawang masama. I've been dealing with you for a long time now so dont give me that crap. You know what I'm taking about, I wont be acting like this kung hindi mo ko ginag* dati. So Mr. P your free for a long time now, hindi mo ba narerealize un?

2. Talk. Hindi ko pwede tumahimik, susko baka magkaaltapersyona ko kung tatahimik lang ako kahit na angdami ko gusto sabihin. Sa mga kaibigan ko salamat sa pakikinig. Kahit hindi ko kayo sinusunod, dahil sa katigasan ng ulo ko, salamat sa walang sa walang pagtangkilik sa nakakabaliw kong mga storya at himutok sa buhay.

3. Eat. Yan un eh. Kaya ko lumalapad ng todo. Parang gusto ko kumain dahil sobrang pait ng panlasa ko. Pero tingin ko dahil gutom din ako, buong araw ba naman ako magkulong sa kwarto hindi ka ba naman magugutom nun.

4. Read. I want to move out sa mundo ko kahit sandali lang. Papasukin ko muna ang mundo ng isang libro para marelax utak ko kahit konti. Pero ang catch, give me 5 minuntes at mawawala ang konsentrasyon ko sa binabasa ko dahil bumalik nanaman ako sa mundo kong puro sigalot. :ohno:

5. Sleep. Yun eh kung bibigyan ako ng pagkakataon makatulog kahit sandali.

6. Shower. Hindi pa ko naliligo buong araw noh, natural maliligo naman ako. At para marefresh/mafreshen up, rin naman pakiramdam ko oh ha! :beat:

7. Write. Yan ang ginagawa ko ngayon ang magsulat ng kalokohan umaapaw nanaman sa utak ko. Ayoko mastuck sa isang lugar/bagay/pangyayari kaya sinusulat ko na lang.

8. Final stage. Pagisipan, harapin at pagdesisyonan. Sa anim na pampalipas oras na yan wala mangyayari mabuti pwera dun sa una, medyo nakakabawas ng bigat. Pero alam ko parin kailangan ko gawan ng paraan kung ano mang kabwisitan ang nagyayari ngayon. Ayoko ko nang tumatagal ang mga kaletchehan sa buhay ko, 24hours lang dapat(kung kakayanin).

Disclaimer: Ito po ay mga paraan ni chinkay. Hindi ko alam kung epektib sa iba, pero sakin OO.

Ngayon wala pa ko naiisip kung paano gagawin ko, tinapos ko ang Step 7, nakaligo na ko, pero gutom ulit haha! Ayoko naisipin ito bukas, kung pwede ko tuldukan ngayon gagawin ko na. Sana lang gising pa ung taong concern pagnakapagdesisyon na ko.

4 comments: