Sobrang swamp ako with work lately, all I do is, go to work, do OTY then go home. Pagdating sa bahay magtsecheck ng facebook, papasok sa kwarto magbabasa hanggang sa makatulog.
Sa limang araw sa isang linggo ganon lang ng ganon. Ung natitirang dalawang araw? Hehe ung isang araw dyan nasakop na rin ng routine ng panglimang araw ko kaya kung susumahin isa't kalahating araw lang talaga ang kunwariang pahinga ko na hindi nagtatrabaho. Anong ginagawa ko? Hehehe syempre matulog at magpahinga un ay kung hindi ako yayayain ng mga kasamahan ko lumabas para mabuo ang panganim na araw sa isang linggo ko o alilain ng nanay ko para makasama sa mamili ng kung ano ano.
Pero meron ako narealize, marami pala ako napupulot na kung ano ano sa trabaho ko, hindi lang tungkol sa trabaho. Anu un? Isa-isahin natin.
Babala: Ang mga makikita ninyo sa Ingles na lenguwahe ay mga salitang nakakasalumuha ko sa araw araw na ginagawa ni Bro sa buhay opisina ko.
Convey problem. Paraphrase. Fact find. Give all possible option. Suggest the best solution. Delete add refresh. End call/hung up/recoding ended. Sa opisina normal ito, mausisa ang mga tao nakasama ko, lagi nila tinatanong kung ano ang problema ng mga taong nakakausap nila tapos susubukan uriratin ang gumugulo sa mga kausap nila. Tapos tulungan at ayusin kung ano man ang sulirananin. Pero sa tulad ko na bihira na gawin ito at nakakukuha lang magobserba at magcomment, minsan iba na tingin at pakahulugan sakin ng mga iyan.
Conveys problem. Pagkakaroon ng problema, suluranin, posibleng sakit sa ulo, mga dahilan ng hindi pagiging normal, mga hindi inaasahang pangyayari sa normal at maayos mong buhay na nagdudulot ng pighati, kalungkutan, saloobin at kalungkutan. Na minsa'y nauuwi sa pagkakaroon ng masalumuot na pangyayari, karamdaman, damdamin at pananaw sa buhay, un eh kung hindi mo babaliwalain ang isang problema.
Paraphrase. Ito ung tipong pagtangap na meron kang problema. Minsan kase hindi natin iniintindi yan o iniiwasan para lang hindi mapraning, magkaroon ng sakit ng ulo, mahighblood at para walang dagdag isipin dedma ang madalas ginagawa ng karamihan. Pero mali dahil hindi naman maaalis ang isang problema kung hindi mo susolusyunan o haharapin hindi ba?
Fact finds. Alamin ang dahilan. Bakit ka nga ba namumublema sa ngayon? Ano ang mga posibleng dahilan? Anong ang mga pangyayari sa buhay mo na naglandas para magkaroon ng ganitong suliranin? May nagawa ka bang pagkakamali? Bakit ganito ngayon? Yan kinukwestyon mo na sang sarili mo. Normal, lahat ng problema ay may dahilan, may pinanggalingan, kung kinukulit ka man ngayon ng sakit ng ulo na yan, ikaw rin ang may dahilan.
Give all possible option. Isipin ang lahat ng possibleng solusyon. Hindi totoo ang sinasabi ng karamihan ng tao na "No Choice" lahat ng ay binibigyan ng pagpipilian. Marami posibidad na magging solusyon sa problema. Nandyan na ung, dedmahin hanggang sa kabugin ka na lang bigla isang araw kakadedma mo. Paglaban kung ano talaga ang nais mo kahit pa may matatapakan kang tao. Magkapakamartyr at gaga dahil gusto mo maging mabait sa paningin ng iba. Sundin ang tamang sinasabi ng utak mo. Pakingan ang sinasabi ng puso mo dahil gusto mong maging masaya naks! Maghintay. Ugatin ka man, mamuti ang mata, putian ng uwak at kahit kapitan ka man ng mga suso at lumot, parang umoorder ka lang sa fast food, ganon ang drama mo day, "willing to wait" ka parin. Pero sabi nga choice mo yan, yan ang mga pagpipilian at alam ko marami pang enumeration dyan kaso hahaba masyado next time naman.
Suggest the best solution. Yan eto naman ung multiple choice part. Piliin at gawin mo kung ano tingin mong tama para sayo. Hep, naintindihan mo ba? Ang sabi ko kung anong tingin mo tama PARA SAYO. Bakit may emphasis? Kase hindi parepareho ang choice ng bawat isa, ikaw at ikaw lang sa sarili mo ang makakapagsabi kung ano ang tama para sayo. Tried and tested, ganito yan eh, maraming tao ang lagi humihingi ng opinyon ng iba pero at the back fo their mind meron na talaga silang desisyon, kahit gaano pa katama ang suhestiyon ng ibang tao kung iba talaga ang gusto mong mangyari un parin ang susundin mo. Bakit ka humihingi ng opinyon ng iba? Marahil humahanap ka lang ng taong aayon sa gusto mong mangyari at mapatunayang kahit papaano ay tama ka. But again, isipin mo maigi ang mga posibilidad at mga pwedeng manyari para makapagdesisyon ng tama. You might choose something that is not the best option for everybody but it is for you.
Delete add refresh. Eto ung troubleshooting part, solusyon kung baga. Eto ung proseso na ginagawa mo na ang dapat mong gawin para matuldukan o matapos ang dagdag na pasanin kinahaharapan mo. Kung ano naman ang pinili mong solusyon eto na ung parte na un. Minsan sandali lang tapos na, pero kadalasan hindi, nandyan pa ung parteng may pilitan, iyakan, sakitan, sagutan, sigawan, sumbatan at kung ano ano pang -an. Minsan naman nililiteral ng ibang tao ito as in delete add refresh talaga lalo na kung usapang puso ang usapan sows. Delete iitsepwera na kung sino naman ung napapasakit sa kalooban. Add kumanap ng kapalit, sakit nun para sa taong "panakip butas na lamang" . May mga taong nakakakalimot lamang kung meron na kapalit, pero kahit saang angulo tignan hindi parin tama. Refresh tama lang ang katagang ito kung positive ang kinalabasan ng pagkakaroon ng Add, kung hindi naman nagadd, ibig lang sabihin ay nagmomove on ka na .
Eto ang mga resulta sa pagharap sa problema.
End call tapos an ang problema, nasulusyunan na ng tama at ok ka na.
Hung up eto ung negative part ng end call dahil maaring hindi nasulusyonan ang problema mo, paranget ang kinalabasan at nahihirapan ka parin kaya balik ka sa parapharasing para pagnilaynilayan ang mga nangyari.
Recording ended walang ending, nakabitin ang lahat posibleng hindi tinanggap ng kabilang partido ang desisyon mo at hindi siya sumagot, kaya wala parin solusyon.Walang tuldok.
ang dami ko sinabi, pasensiya na at tamad na tamad ako magtrabaho ngayon araw na to kay ito ang ginagawa ko sa opisina. Tagal ko narin hindi nagagawa ito in fairness. Paumainhin ang ang daldal ng mga daliri ko.. Peace yahall!