Darn I don't have a life. Since I started to work in Marikina super busy na ko. Pero super lumolobo rin ako ngayon. Sabi nila stress daw nakakapayat, hindi naman ah. Tsk tsk tsk. Hay, wala na ko ibang buhay kundi itong trabaho kong wiretapping, kung dating 9hours lang ako lagi sa opisina at nakatutok sa AVAYA(telephono sa callcenter) ng 5:59AM araw araw para makauwi agad sa bahay noon, ngayon kahit gustuhin ko gawin un hindi ko magawa, ang dami ko kailangan tapusin. Bakit ko nga ba inusto ko ang trabaho ko ngayon na masmalaki pa ata sweldo ko nung ahente pa lang ako kesa sa dinami dami ng report na ginagawa ko ngayon nabawasan pa sinasahod ko, 'nak ng tokwa anu ba kase pumasok sa kukute ko.
Apat na buwan na ko dito sa ginagawa ko, 40 kilo na rin ata nadadagdag sa bigat ko, bwisit akala ko pa naman papayat ako. Kung ano ano na rin mga sakit naramdaman ko, epekto ng paglipat ko ng opisina. Dati Medium lang size ng shirt ko bakit ngayon masikip na ang Large, hindi naman na ko nagkakakain sa opisina, kulang pa ko sa tulog bakit ganon. Sa stress naman ay marami ako ngayon pwede ko na nga pagkakitaan kase hindi ako nauubusan ng supply araw araw.
Sa opisina hindi ko masyado naiinda frustration ko sa pagpapayat, pano ba naman sa "cube" namin ako ata pinakamaliit hahaha.. pwera kay Joax na sobrang payat hindi na ako nainsecure dun. Pero pagdating sa bahay, nak ng tokwa pagbukas pa lang ng TV lahat ng payat nakikita ko dagdagan pag nachecheck ko ung mga picture ko dati susme bakit ganon Bro ibalik mo lang ung dati ok na ko eh.. wala na ko hihilingin pa.
Then the other day may naalala ko, napaisip at biglang nanlumo. Bakit nga ba parang left out ako ngayon, wala na ko alam sa nangyayari. Pagtinanong ako about sa mga kaibigan ko kahit bagsak ako pero pag tinanong mo ko sa latest standing ng NCO Site Marikina versus other vendor regarding CRI, sows sisiw yan gawan pa kita ng power point presentation na may excel summary pa. Lol. May nagtext din pero blanko, unknown number pero parang pamilyar, kaso hindi ko na confirm walang may alam ng number na un kaya sige idedma na lang. Pero parang pinaalala nito ung mundong dinededma ko. Bakit nga ko ba isinantabi un, ang sinasabi at lagi ko dahilan eh "BUSY AKO", well in a way totoo un, pero kung iisipin dati nama busy rin ako pero hindi ko naman sinubukan kalimutan un, bakit nga ba?
I felt left out, hindi kaya ako lang nagaaisolate sa sarili ko? What I don't know won't hurt me, if I didn't asked i won't know and won't get hurt. If I'm not interested, I should have not cared or asked anything about the person, para hindi na ko nanghinayang o nagiisip man lang ngayon, hayz life.
Apat na buwan pa lang ako pero ang dami dami ko na ginagawa, madami na ko nakakalimutan, naiisang tabi at pinaghihinayangan. Hay if only every sentence I experience ends with period I wouldn't have this what if maybe thoughts running in my head.
The Best 9 New Hair Styles For Men 2020
2 years ago
No comments:
Post a Comment