Sunday, July 19, 2009

Know-it-all

Sa wakas nakapagpahinga rin ako sa wakas ang tagal nun ha.. pero wal ako maisulat kaya lalagay ko nalng laman ng utak ko..
Hindi ko alam kung bakit pero hindi maalis sa isip ko ang minsan nasabi sakin "Marami siya alam kesa satin, gets mo ba?" nung mga oras na sabihin sakin yan sumagot ako isa lang napakasimple lang kahit maraming nagsisigawan sa utak ko ang sagot ko lang "Sigurodo ka ba?" at wala ko natagap na sagot mula sa kausap ko.
Pero ano laman ng utak ko? Imposibleng 3 works lang yan ako pa. Sus sabi ko nga mauubusan ang textbook sa mga paliwanag at reasoning pero ako hindi, mananahimik ako pero hindi ibig gabihin nun eh titigil dun sa paggalaw ang brain fats ko hahaha.
Gets ko ba? Actually hindi, bakit kase hindi ako maniniwala basta basta na Maraming alam ang isang tao tungkol sa ibang tao, dahil kahit ako mismo isa lang ang taong kakilala ko na kung minsan kinukwestyon ko pa un ang Sarili ko, na minsan eh hindi ko rin magets, hahaha.
Kung meron man tao na sobrang maraming alam tungkol sa ibang tao, pwede bang malaman ko kung sino ka? Para atleast malaman ko kung kanino ko eelibs. Kakaibang talento kase yan eh. Isipin mo malalaman mo ng ganon ganon lang kung ano ang katauhan ng isang tao, pano ba ginagawa un. Sa loob ng 25 na taon kahit sarili ko magulang may mga pagkakataon parin na hindi ko sila maintindihan. Never ako nawala sa puder ang mga magulang ko dahil ayaw ako payagan bumukod ng tatay ko. Pero sa totoo lang minsa hindi ko parin mawari dahil may ugali parin at kilos ang mga magulang ko na hindi ko inaasan, hindi ko parin pala sila kilala ng lubusan.
May isa ko kaibigan sa loob ng bahay nila at sa harap ng syota niya napakabait ng bruha, di makabasag pinggan, walang bahid ng kalokohan, tahimik napatulala ako ibang tao siya pagkami kami lang makakasama. Ang daldal ng bruha na un, mas malutong pa sa chicharon kung magmura un pero hindi ko nakita at narinig un nung nasa bahay nila ko at nung kasama niya shota niya, ang bilis ng pangyayari isang minuto isa babaeng bakal kasama ko pagkurap ko si Maria Clara na siya ang galing elibs ako.
May officemate ako anak ng putakte naturingan tenure na sa trabaho hindi parin niya alan ginagawa niya sa araw araw sa opisina, parang baguhan parin, tanong dito escalate dun, away na nga siaya sagutin ng ibang tao sa office pano hindi un at un din naman. Pero nalaman namin na sideline niya lang ang callcenter chet, stockholder siya ng isang corporation, nagpapalakad ng family business at may sarili pa siyang negosyong nakabukod. Elibs, un na kulang nalang eh sabihan sa floor ng bobo eh asensado sa buhay at hindi basta basta.
Hehe, yan ang gusto ko itanong sa nagsabi sakin ung nasa taas. Kung alam ng taong un ang lahat siguro naman malalaman niya ung mga ganyan pangyayari.
Napapagisip ako, paano niya nalalaman ang lahat? Naghire ba siya ng private ditektib para lang malaman ang mga gusto niya malaman. Ang yaman naman pala niya (pautang lol) para gumastos at may oras siya pagaksayahan ng panahon ang mga yan. O bumabase lang siya sa nakikita niya, sa galaw at sa sinsabi ng taong sinasabi niyang marami siyang alam tungkol sa tao. Alam ko ang ganyang diskarte, inoobserbahan mo ang gawi ng isang tao. Sa bawat galaw kinakalula mo, binabasa mo ang mga sinasabi niya ng hindi literal. Hhhmmm.. Alam ko rin gawin yan pero sure ako na hindi ko parin totoong kilala ang taong pagtutuunan ko ng ganyan atensyon. Bakit? Pano kung un ang gusto niyang ipakita at paniwalaan ko? Paano kung maskara niya iyon para matakapan ang totoo niyang pagkatao?
Isa lang ang lagi ko sinsabi sa sarili ko hindi ko pwede maliitin ang kakayanan ng kahit na sino, kahit pa ako ang pinakamatalino at makapangyarihan tao sa buong mundo walang mabibigay sayo ng kakayanan alamin ang lahat lahat dahil isang tao lang ang pwede kong kilalanin ng lubusan, un eh ang sarili mo wala nangiba.

No comments:

Post a Comment