Lately napapadalas ako kausapin ng mga kaibigan ko dito sa office about sa mga love life nila. Sows, bakit ako pa tinanong eh ako nga itong walang love life. Moving forward, nasabi ko nga one time “Seasonal ba ito? Panggatlo ka na ateh sa mga kumakausap sakin. Panalo kayong magkakaibigan ha pagnagkalove life sabay sabay, pagnagkaproblema sabay sabay din parang sakit lang hawahan.”
So ang secession of event ganto, una nagkwento si Friendship #1, pwera sa mala-telenovelang friendster testimonial na love story nila syempre may talk show portion ang lola mo sa tabi ng station ko, nagkwento ng kadramahan ng jowa niya.
Tama kayo sa nabasa ninyo Telenovela sa Friendster Testimonial, ganto kase un hindi maboka ang ang friendship ko na ito pagdating sa lovelife. One time nakatihan ko kalkalin ang friendster ko, napansin ko lagi may update ang lola mo, ay check akesh ng profile niya. Dun ako na nagulat ng bonggang bongga, ang love istoryahan nasa testimonial, may sagutan to the highest level, may pasweet, may awa to the max, may breakan galore, may kulitan galore at kung ano ano pang update ng lola mo sa lovelife nila, nasa Friendster Testimonial na nakikita ng kanyang madalang friends. Syempre chumika ko sa friendship ko, biniro ko about dun, ay ung jowa pala nya ang may trip ng ganon, sabi ko “teh, meron naman IM sa MSN, YM sa Yahoo, may Skype, Jabber, Gtalk Meebo ect ect. bakit hindi na lang dun? Pero in fairness parang kasing haba ng MRT line ang hair mo may pa mahal na mahal kita na nakalagay dun. Sushal.” Sagot ni Friendship #1, “Ay teh, kung ako lang eh mas ok nga talaga sa YM na lang para hindi parang telenovela sa Friendster ang drama namin ang kaso ang jowa ko ang hindi ko magets kaya gow na lang ang lola mo.” Then napansin ko na lang na kakaiba ang mga shout out ng Friendship ko sa mga online churki nya, kaya kinausap ko at baka atakihin sa puso pag hindi nilabas ang nasasaloob, sabi ko lang naman “ate, muzta lovelife?” pagkasabi ko nun ayun na nagstart na ang talk show portion namin. Nalaman ko na hindi na nga daw healthy ang relationship nila, away bati sila damay mo pa na LDR sila, nasa ibang bansa ang jowa niya. Sabi ko lang sa friendship ko,”Basta alamin mo lang muna kung ano gusto mo gawin kung saan ka magiging masaya, kung sure ka na gow lang. Hindi madali yan masakit yan kahit papano, kahit pa sabihin mo na ikaw ung makikipaghiwalay. Kahit pa sabihin mo na mas ok ka ng wala siya, minahal mo yan kahit papaano mamimiss mo yan may kirot kung baga.. Basta maging sigurado ka lang lang muna.” End ang talkshow, end rin ang relationship ni Friendship #1 at jowa niya pero nakikita ko naman na happy siya ngayon. Good for her mas ok daw siya ngayon, kesa nung meron siya jowa, edi betterer!
Then here comes Friendship #2, ay eto po ay hindi normal na relasyon at medyo komplikado pero kapupulutan ng aral. Nalaman ko na si Friendship #2 ay may kagagahan ginagawa, ilan araw na pala itong lumalaklak ng alak pagkatapos ng shift para lang borlog na agad pagkadating sa bahay at ayaw na magisip. Chinika sakin un ni Friendship #1, habang naguusap kame lumapit si Friendship #2 samin, sabay banat ni Friendship #1 “Ayan teh, siya na dapat mag kwento ng matauhan ang bakla.” Sagot ko “Ay sows, ayoko makisawsaw sa mga yan, hindi ako itrimitida, buhay ninyo yan, keri ninyo yan.” Sabay sabi ni Friendship #2 “Friend kase, nakakasad lang, ang hirap eh.” Susko ang hirap daw ni hindi ko alam ang buong storya, lost ako. At nagkwento na ang bakla. Meron pala siyang ka MU, no commitment pero mahal niya ang guy, ang catch kaofficemate namin, kilala ko, kaclose ko, mygulay ang bongga hindi ako aware maygawd! Ang siste eh nasasaktan na daw si Friendship #2 dahil sa set up nila hindi niya daw kaya ung ganon na aware naman si guy sa feelings niya at aware naman siya na wala sila commitment pero masakit naman na harap harapan siya sinasaktan. Isa lang sinabi ko kay bakla “Ano gusto mo mangyari?” Sagot ng lola mo, “I want to move on.” Ang taray ng statement! Sabi ko lang “Then move on, that would definitely hurt, you have to deal with the fact that you will see him every single day but you have to get over with that feeling. Two choices magpakamartyr ka at lunukin lahat ng pinamumukha niya sayo na sinasabi mo na masakit or face the greater pain to lose him but heal sooner?” O di napaisip ang bakla, tuloy ang drama, kwento dito kwento dun. Good listener naman ako kaya keri lang. Sabi niya sakin bago ko magoff sa work eh desidido na siya na magmove on na. So ok na at makakaraos na rin si Friendship #2 sa mga kagagahan niya. Aba, pagbalik ko sa office from a 2-days off hindi ako tinantanan ng lola mo sa IM galore niya kwento dito kwento dun, nasasaktan daw ang lola mo. May nakwento siya sakin sabi niya nakausap nya daw si guy na friends na lang sila pero wag na daw asahan ni guy na magiging the same ung treatment niya sa kanya pero meron daw siya hinihingi kay guy, mga picture yata un o video (wala naman ata scandal malinis ung mga video) ewan ko nakalimutan ko na. Napataas kilay ko. Ang tanong ko kay Friendship #2 “Para saan ang mga hinihingi mong un? Anu purpose?” Sagot niya “Memories that I’ll keep”. Ay hindi ko kineri, sagot ako “Ateh, kung magdedesisyon ka be firm, why do you have to ask him those pictures? For memories? Ay wag mo ko lokohin you’re using those as an excuse to talk to him and let him know na magmove on ka na, ang totoo you want to know his reaction? You want to know kung affected nga siya once nakakita ka ng konting pagasa jump ka nanaman agad dun, dusko wag mo ko paikutin sa mga dahilan mo basangbasa ko ang d’ moves mo. You don’t need his confirmation or anything if you’re decided to move on and let go gagawin mo un ng wala nang ibang dahilan, kundi dahil gusto mo.” Tameme ang bakla nasapol ko ata ang katotohanan nangilid ngilid ang luha. Say ko lang “Girl, sinasabi ko lang ang nakikita ko hindi dahil gusto kitang masakatan kundi para malaman mo kung ano ang tingin ko, kung ano ung nandyan sa likod ng utak mo na pilit mong iniiwasan.” Ang taray ng linya ko napabow ako! Tapos akala ko nauntog na sa pader nang lola mo hindi papala, ang drama, kinausap daw siya ni guy luminya ng “I’m sad, sana minahal na lang kita, sinadya ko gawin mga un para lumayo ka, kase alam ko eventually masasaktan kita.” Ang taray ng linya ni guy, pero di ko gets. Eto naman si Friendship #2, sabi sakin eh ok na daw siya may kadate nga daw siya nung weekend dako daw, sows! Sabi niya ok na daw siya magmove on na daw talaga siya. Napatingin ako sa kanya may huling tanong sana ako sa kanya “Bakla sure ka ba na ok ka na as in move on dahil gusto mo na patayin ung feelings mo o ok kana kase nakikita mo na ganyan siya ngayon, na nagtagumpay ka, na alam mo na kahit papano may chance parin pala kayo kung trip mo na ulit magpakagaga?”
At ang huli si Friendship #3, eto pinakabongga sa lahat kase nasagad ang patience ko na hindi napuputol pero hindi kineri ng powers ko. Hindi na kame masyado nakakausap lately ni Frienship #3 simula ng magalsabalutan siya dito sa aming trabaho, layas ng lola mo gora kung san man. Pero winner ang istoryahan ng babaitang yan susko, nagugulat ako ng bonggang bongga sa mga pangyayari pero keri lang kaya pa naman ng altapresyon ko. Wag na natin ungkatin pa ang past at baka abutin tayo ng eleksyon hindi pa tayo tapos, so diretso na tayo sa medyo present. Ganito bumungad si frienship sakin, umpisa palang ng open forum eh pinaginit na agad ang bunggo ko. Kadadating ko lang dito sa office pero OL na agad ako, nagmessage ang lola mo “Muzta?” sagot ko “ok lang kadadating ko lang dito sa office.” Sumagot ulit siya, “Busy ka?” Sagot ko, “Medyo kadadating ko lang kase dito eh, wait lang ha.” Sagot ng lola mo ulit, “Ganon ba? Sige wag na lang.” Ay napataas ang kilay ko ng bonggang bongga, parang gusto ko makipagupakan ng di oras. Naoffend ako dun noh, buti nga sinagot ko pa siya sabi ko lang naman sandali, hindi niya ata na gets na nasa office ako at may ginagawa, hindi naman ako nakatanga lang sa bahay para instantly makipag chikahan noh. Dusme kung hindi lang ako kabaitan malamang sinopla ko un eh, pero siyempre inintindi ko ang bruha, ask naman ako “Bakit ba? May problema ba?” At dun na sinimulan ng bakla ang istoryahan ng masalimuot na love life niya. Dahil mahaba unti lang ang nastock na vocabulary sa memory ko, sabi niya, mahal niya pero nahuli niya na nagsisinungaling, bakit daw ganon nagawa na niya ung parte niya nagtext siya ng sang damakmak, nag misscall pero wala tawag, walang text. Nagawa niya pa ngang magwalk out pero wala parin nagawa un, dedma. Hindi parin siya tinatawagan hindi siya kinakausap. Susme, obvious na obvious na ang dapat gawin, ayaw parin, sabi ko “Kung nagawa mo na ang lahat at wala ka naman na regret if ever tigilan mo na, mas madali kausapin ang bingi kesa sa nagbibingibingihan.” Sagot ni Friendship #3 sakin “Ayun nga kaso ayoko lang magkaroon ng regret, ayoko lang na ako pa ung masumbatan ganon, gusto ko lang ung closure.” Sagot ko, “Girl, kung nagawa mo na lahat pero wala parin tigilan mo na, oo tama na gawin mo lahat ng kaya mo ung parte mo sa relasyon, dapat lang naman diba, pero magtira ka naman ng kahit onti sa sarili mo, magtira ka ng pride.” Hindi na siya sumagot akala ko ok na. Pero paulit ulit, un at un ang sinsabi ni Friendship #3 sa YM sakin, at ngayon ko icoconfess oo dinededma ko na lang, hindi ko sinasagot kase paulit ulit lang. Pagnagsalita ako hindi rin naman ginagawa, nakakapagod lang, nakakasawa. Pero one time late na ko umuwi sa bahay kase kinuha ko ung bago ko puppy, aba, message agad ang lola mo sakin dedma muna. Eh biglang nagmessage sa FB ko si Friendship #1 sabi sakin “Shayne, naiirita na ko, nakakasawa na, hindi ko alam kung bakit pero parang alam ni Friendship #3 na online ako, ayoko naman na makialam, problema nila un eh.” Sabi ko “Sandali sandali, anu ba ginawa istroyahan mo ko bilis.” Si Friendship #1 “Sabi niya kung nagtext na daw si jowa niya sakin, kung pwede ko daw itext kase hindi nga daw nagrereply sa kanya baka sakaling magtext sakin, paghindi ako nagreply pinapasahan ako ng load, may load naman ako ayaw ko lang magreply kase ayoko makialam sa kanila. Minsan naman tulog ako, ate naman natutulog din naman ako, nagtatrabaho, paghindi ako nagreply feeling ata niya iniiwasan ko siya.” Sagot ko “Hindi nga ba?” Si Friendship #1 “Tarantado ka talaga hahaha!” Sagot ko, “Susko matagal ko na alam. Pero kung ganyan ng ganyan yan, rektahin mo, sabihin mo yan mga himutok mo sakin, ok lang yan para marealize niya kalokohan niya, ako bahala, pagnagalit yaan mo lang wala ka naman ginawa masama, sinabi mo lng ung totoo. Pero sige kakausapin ko muna ng matauhan ng babaeng ito.” Kaya sinagot ko na message ni Friendship #3, “Eto ok lang, kadadating ko lang ng bahay.” Tapos bumanat na si Friendship, “Hindi sumasagot si Friendship #1 sakin online ba siya? Kase hindi parin nagtetext sakin si jowa ko eh, gusto ko lang malaman baka kay Friendship #1 nagtetext gusto ko lang malaman kung bakit hindi niya ko kinakausap. Gusto ko lang naman magkausap kame, ayoko kaseng masumabtana ako atleast ginawa ko lahat.” Sumagot ako “Friendship, wag mo masamain sasabihin ko sayo, kung magagalit ka sakin wala ko magagawa pero sasabihin ko sayo parin ito. Una, istorbo ka na, alam mo ba un? Hindi sa ayaw ka kausap ni Friendship #1 o ako, kase parang sirang plaka ka na paulit ulit na lang, un at un lang din naman hindi mo pa ba nagegets? Ayaw ka niya kausap un un. Pangalawa, kayo ung magshota diba? Bakit kailangan idamay o kulitin mo ibang tao para dyan? Hindi naman si Friendship #1 o ako ang shota niya ikaw, kung ayaw ka kausapin ano gagawin mo? Alam mo, nakakaawa ka na pero tignan mo kahit awa hindi niya magawa sayo, hindi mo ba nakikita un? Nagawa mo na lahat, sa mga kwento mo nagawa mo na ung part mo, tama na, kase pagtinuloy mo pa yang kagagagahan mo, hindi ka lang nakakaawa nakakatawa ka na. Itira mo naman pride bakla. Isa pa, base sa mga kwento mo dahil hindi ko naman alam ang side ng jowa mo, kung gusto niya makipagayos kung gusto parin niya ituloy yan, umpisa palang hinabol ka na niya, umpisa palang na magkagulo kayo inayos na niya yan, at hindi na pinaabot sa ganto. Magisip ka naman, wag ung tipong “masakit kase”, nasasaktan ka kase, lang ang ililinya mo, nandun na tayo masakit yan pero ano magagawa mo magmukmok dyan, walang mangyayari kung ganon, tignan mo nga sarili mo, miserable ka pero siya ano sa tingin mo? At ang sumbatan, kung hindi ka manunumbat hindi ka rin masusumbatan, un lang un.” Natahimik ang lola mo, alam ko parang binuhusan yan ng tubig sa sinabi ko at after 2 updates sa facebook sumagot ang bruha “Salamat Shayne, yan lang hinihintay ko sayo, ung masabon mo ko, yan talaga kailangan ko eh, alam ko sasabihin mo yan sakin eh. Para magising gising ako. Salamat.” Sabi ko lang na magpahinga na siya dahil alam ko wala pa siya tulog dahil ang sabi sakin iyak lang daw siya ng iyak. After nun akala ko, ok na siya, natauhan na, parang binasagan ko kase siya ng bote sa ulo eh, di pa kaya siya matauhan nun. Eh un ang akala ko, ako lang pala ang hindi niya kinakausap, kase alam niyua masesermonan ko siya, un pala patuloy parin ang text at pag hihimutok niya kay Friendship #1, ang sabi gusto mo nya lang daw ng closure, anak ng tokwang closure yan, istyle nya bulok! Until now hindi niya ko kinakausap kay dito ko sasabihin ang gusto ko malaman mo, “Hoy, tantanan mo na yang kalokohan mo, closure closure, ang sabihin mo gusto mo siya makausap para maawa siya sayo, para balikan ka, un ang gusto mo. O kung hindi naman, pride yan dude, kase naunahan ka, kase ikaw ung iniwan, na masakit at nakakaawa ka naman, siya kase meron nang iba ikaw talunang naiwan magisa. Ang sakit ko ba magsalita, pasensiya na, hindi kase gumagana sayo ung mahinahong salita eh, hindi ka nauuntog, pasok sa tenga labas sa kabila, kundi naman iiwasan mo ung taong nagsasabi ng totoo, kase un naman talaga ung nasa utak mo, ayaw mo lang aminin. Nandun na ko, kailangan ng tuldok sa sentence para masabing sentence un, pero sino ba sumusulat? Kayo dalawa diba pero isang papel at lapis lang gamit ninyo, bakit hindi mo agawin ung lapis at ikaw mismo maglagay ng tuldok. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh kailangan ng pagsangayon ng kabilang partido, minsan kailangan mo gumawa ng desisyon ng magisa ka lang, lalo na kung nilalason ka na nito, hihintayin mo pa ba siya kung naghihingalo ka na? Bakit tingin mo ba meron siya dalang gamot? Hindi mo ba naisip na baka lason pa ang ibigay niya sayo na lalo magpapadali ng buhay mo?”
Dusko hinahighblood ako sa mga kalokohang ito. Minsan kase para na ko sirang plaka sa inyo, minsan mas gugustuhin ko na lang isipin ninyo na hindi ako nakikinig at magalit kayo sakin kesa sa pakingan ko kayo at iplay ang recorded tape nang mga sinasabi ko kase paulit ulit lang naman.
Wag ninyo sana masamain mga sinsabi ko, ung lang naman kase ang nakikita ko. Pagnagkwento kase kayo sakin isa lang nasaisip ko, naghahanap kayo ng sasangayon sa mga gusto ninyo kahit alam ninyong mali un. Hindi kase payo ang habol eh, pagsangayon, dahil alam ninyong mali ang gusto ninyong gawin, pilit ninyo itong binabaliwala kaya naghahanap kayo ng sasangayon sa inyo para atleast masabi ninyong tama parin pala ito kahit papaano. Pesensiya pero hindi ako un, sasabihin ko kung ano tingin ko, sasabihin ko kung ano ang nakikita ko, mga bagay na pilit ninyong binabaliwala dahil ayaw ninyong tignan. Alam ko pwede rin mali ako sa mga sinsabi ko, pero un ang nakikita ko sa sitwasyon, pero sabi nga nila nasa tao parin na un ang desisyon, kahit ilang ulit ko sabihin ito kung mayroon naman na talaga kayo desisyon wala na ko magagawa. Buhay ninyo yan eh.