Monday, February 23, 2009

Backspace, Delete at Ctrl+Z

Lagi ako sa harap ng computer sa trabaho at kahit pagdating sa bahay computer parin ang kaharap ko. Kaya madalas napapaisip ako, bakit kaya sa buhay walang backspace, delete o undo, kung meron lang sana edi sana mas madali ang buhay natin ngayon. Madami narin ako maling desisyon sa buhay kahit pa pinagmamalaki ng nanay ko na proud siya sakin dahil nakatapos ako at hindi natulad sa ibang mga pinsan ko na nakapagasawa ng maaga, meron parin ako mga pagkakamali kahit papano, at tingin ko inevitable un. Hindi nga lang ganon kalaki ang epekto na tipong pati mga magulang at pamilya ko ay damay. Pero ang sigurado ko sa mga pagkakamali kung iyon apektado ako, ang pagkatao ko at ang paniniwala ko. Kaya madalas kong isipin sana kaya ko na lang gamitin ang backspace sa lahat ng panget na nagyari sa buhay ko para mas madali. Delete ang mga sad memories na hanggang ngayon eh naalala ko parin. Kung pwede lang mag-undo sa bawat maling desisiyon para hindi ako nagiging emosyonal, di sana mas madali wala ng "senti moments".

Pero hindi kase ganon, sa buhay touch move and lahat, paggumawa ka ng desisyon, ihanda mo na lang sarili mo sa mga mangyayari at kahihinatnan. Oo pagiisipan mo yan ng makailang libong beses pero anu't ano pa man hindi mo parin alam kung ano mangyayari bukas.

Ang sakit sa ulo, bakit ba naman kasi ang damidami kong dapat isipin o mas tamang sabihin na ang dami kong inisip, minsan gusto ko na magreklamo kay Lord kung bakit nya ko binigyan ng active braincells, gift ba 'to o pahirap. Madami akong naaalala, mga bagay na gumugulo sa isip ko hanggang ngayon, ang masakit hindi lang basta basta memories un, mga parte na nanunuot sa damdamin. May kirot sa dibdib kahit alaala lang mga yan. Panghihinayang ba? O agamagam? Duzko Lord pwede bang pagpahingahin nyo muna sa pagtatrabaho mga braincells ko, kahit isang araw na day off lang.

Eto ung mga oras na gusto ko na lang sana gamitin ng backspace, delete or undo, para mas madaling gawin at isipin ang mga bagay bagay, para hindi ko na maramdaman ung sakit, ung pait na dulot ng mga alaala. Ang kaso kahit anong pindot gawin ko sa keyboard ko, kahit ilan beses ko pa gamitin ang backspace, delete at ctrl+z, ung document sa monitor ko ang nababago, pero ang pakiramdam ko ganon parin.

Pero sandali, sigurado ba ako na ganon ang gusto kong mangyari? Mas gugustuhin ko na nga lang bang na ibasura ang parteng iyon ng buhay ko? Kung magkakaganon ibig sabihin, pati ung mga bahagi ng buhay ko na kahit papaano eh nakapagpangiti at nakapagpasaya sakin eh mabubura din. Mahirap naman kasing bahabahagi lang ang mabura, parang magiging chapter ito ng isang libro, na kulang kulang ung detalye, parang hindi maganda. Kung iisipin, mas mabuti pang wag na lang isama ung buong chapter. Pero un nga ba ang gusto ko? Ang tangalin ang buong bahaging iyon ng buhay ko?

Sa ngayon nagdadalawang isip na ako kung nanaisin ko magkaroon ng backspace, delete at undo sa buhay ko. Naiisip ko kasi maraming masasayang, nakakapanghinayang rin naman. Siguro mas mabuting isipin ko na lang na, natuto ako sa mga pagkakamaling iyon. Itatatak sa isip na hindi madaling masaktan kaya sisikapin ko na lang na hindi na maulit iyon. Pagiisipan ng makailang milyong beses ang bawat gagawin ko, kasi pagnagditiw ka na ng desisyon, wala ng bawian.


written Jan 13 '09 -chinkay-

No comments:

Post a Comment