Wednesday, February 25, 2009
Cycle
Buzzing of the bees,
Breaks the silence within me.
Bringing back those memories,
Of our laughters over coffee.
You came uninvited.
Never did I expect it.
Someone who's searching.
And the other one who's longing.
Then soon we parted,
Like eclipse, it ended.
The someone I long for,
Seems too near no more.
Here in the darkness,
My life's a mess.
Alone with nothing,
With my heart still mourning.
Again we're two strangers,
Out in the middle of nowhere.
You, my almost lover.
Who left me alone, as ever.
revised edition
Buzzing of the bees,
Breaks the silence within me.
Bringing back those memories,
Of our laughters over coffee.
You came uninvited.
Never did I expect it.
Someone who's searching.
And the other one who's longing.
With you in my life, I never have to hide,
Dreams and memories of having you by my side.
These emotions, that has awakened me inside,
Never did I expect will soon subside.
But then we parted,
Like eclipse, it ended.
The someone I long for,
Seems too near no more.
Again we're two strangers,
Out in the middle of nowhere.
You, my almost lover.
Who left me alone, as ever.
-my supposed-to-be-entry.
ill just add this to our sweet corner instead..
Tuesday, February 24, 2009
Unbelievable: Digital Alliance
Nakakaloka first time ko magsulat ng song, usually kase poems(check http://chinkzee08.blogspot.com/) or essay lang. Sinubukan ko lang naman kase. Feb 14 nun inask ako ni mymy na magsulat ng song gusto niya tagalog, (shoot first time ulit tagalog..) noong una ang hirap wala pumapasok sa utak ko na idea, hanggan sa meron ako naisip na lines "Ilan araw at linggo ang lumipas, Minsan ma'y alaala mo hindi kumupas" tapos di ko na napasin sunod sunod na, nakagawa ako ng 6 stanza kasama ung naisip kong magandang maging chorus at bridge kung gagawin itong song.
Wala ko naiisip na melody kaya sabi ko bahala na, pinakita ko sa DA stands for Digital Alliance, an online band na nabuo sa symbianze kung saan member din ako.
Producer: Yunik
Lyrics: Shin_arnold012, Xatujan
Music: Psyknarph
Vocals: Xatujan, shin_arnold and mylene_singer
Lyrics editors: Midori and ChInKyMeLiSsE08
Graphic Artist: Midori
Meron na sila 4 song na release at makikita sa symbianize ung mga link for downloads.
Songs:
In Every Minute
Tears of a Broken Heart
Unbelievable
In Every Minute (solemn version, collaboration xat&my)
Untitled
4 pa lang pero gumagawa parin sila ng mga songs to complete an album. Ang galing partida hindi pa nagkikita mga yan, meron nasa states, ung mga nandito rin sa pilipinas wala oras para magkita, online lang lahat, ang galing (:salute: sa inyo).
Moving forward un nga sabi naman nila pwede daw pero sa dami ng nakaline up sa kanilang songs na dapat gawin, sabi ok lang magawa o hindi atleast na appreciate nila ung nagawa ko.
Kaya nun sinabi sakin na meron na naexcite naman ako, si kamotekid (isa rin sa member sa symb) ang nagarrange at naglagay ng melody salamat talaga. Mas bagay sa babae ung song so para talaga kay mymy ung kanta. Pagaaralan pa ni mymy ung song, sana marelease, sana makasama sa line up ng song nila, sana makasama sa album. Pero kahit hindi ok na sakin, nakasave na sa pc ko at celphone ung song wala na bawian. At kahit lyrics lang ung abot tenga nanaman ngiti ko, wala lang never ko kase naisip na makakasulat ako ng kanta.
Nalaman ko lang nito mga nakaraan araw na meron naman pala nagbabasa ng mga nasususulat ko, dito at sa symbinanize. Salamat sa pagaaksaya ng oras at pagdagdag ng kalyo sa hintuturo ninyo kakapindot at pagscroll sa mouse para mabasa mga sinusulat ko.
I guess maganda itong taon na ito sakin, samin(sa mga friends ko at sa DA).
Hindi ko akalain na magagawa ko ung iniisip ko lang dati.
(post ko dito ung song pag narecord na pati ung lyrics, at pati ung album once ok na lahat.)
Monday, February 23, 2009
Backspace, Delete at Ctrl+Z
Pero hindi kase ganon, sa buhay touch move and lahat, paggumawa ka ng desisyon, ihanda mo na lang sarili mo sa mga mangyayari at kahihinatnan. Oo pagiisipan mo yan ng makailang libong beses pero anu't ano pa man hindi mo parin alam kung ano mangyayari bukas.
Ang sakit sa ulo, bakit ba naman kasi ang damidami kong dapat isipin o mas tamang sabihin na ang dami kong inisip, minsan gusto ko na magreklamo kay Lord kung bakit nya ko binigyan ng active braincells, gift ba 'to o pahirap. Madami akong naaalala, mga bagay na gumugulo sa isip ko hanggang ngayon, ang masakit hindi lang basta basta memories un, mga parte na nanunuot sa damdamin. May kirot sa dibdib kahit alaala lang mga yan. Panghihinayang ba? O agamagam? Duzko Lord pwede bang pagpahingahin nyo muna sa pagtatrabaho mga braincells ko, kahit isang araw na day off lang.
Eto ung mga oras na gusto ko na lang sana gamitin ng backspace, delete or undo, para mas madaling gawin at isipin ang mga bagay bagay, para hindi ko na maramdaman ung sakit, ung pait na dulot ng mga alaala. Ang kaso kahit anong pindot gawin ko sa keyboard ko, kahit ilan beses ko pa gamitin ang backspace, delete at ctrl+z, ung document sa monitor ko ang nababago, pero ang pakiramdam ko ganon parin.
Pero sandali, sigurado ba ako na ganon ang gusto kong mangyari? Mas gugustuhin ko na nga lang bang na ibasura ang parteng iyon ng buhay ko? Kung magkakaganon ibig sabihin, pati ung mga bahagi ng buhay ko na kahit papaano eh nakapagpangiti at nakapagpasaya sakin eh mabubura din. Mahirap naman kasing bahabahagi lang ang mabura, parang magiging chapter ito ng isang libro, na kulang kulang ung detalye, parang hindi maganda. Kung iisipin, mas mabuti pang wag na lang isama ung buong chapter. Pero un nga ba ang gusto ko? Ang tangalin ang buong bahaging iyon ng buhay ko?
Sa ngayon nagdadalawang isip na ako kung nanaisin ko magkaroon ng backspace, delete at undo sa buhay ko. Naiisip ko kasi maraming masasayang, nakakapanghinayang rin naman. Siguro mas mabuting isipin ko na lang na, natuto ako sa mga pagkakamaling iyon. Itatatak sa isip na hindi madaling masaktan kaya sisikapin ko na lang na hindi na maulit iyon. Pagiisipan ng makailang milyong beses ang bawat gagawin ko, kasi pagnagditiw ka na ng desisyon, wala ng bawian.
written Jan 13 '09 -chinkay-
Sunday, February 22, 2009
Complicated, Complications, Whatever
It's complicated, this love thing.
**I never imagine my self being too complicated. Neither did I see my self more than ordinary. Well I am ordinary, one who would never stand out in the crowd, one would just walk there and no one would bother to look at. Doesn't matter.
Hell I care if people won't notice, I don't need, never wanted any attention.
But who am I?
Friends would say, I'm the snobbish, silly, unpreditable person they'll ever meet. My mom would say the laziest, ill-tempered, weird, loving daughter she'll ever had. My dad would probably just tell you the wittiest sweet girl in town(Nax! I love my Dad..). My brothers? Hmm my broes, their annoying ever gengerous but vicious Ate in the world..
All those makes me laugh(mas maraming negative kesa positive, hahaha..). Well, can't contest on that, honestly those are facts. If I'll be describing my self.. I'm the most ill-tempered, patient, snobbish, nice, evil person you'll ever meet..
I'm unpredictable, yes I'm. I think before I speak but I often regret my actions, but hey I'm just human I commit mistakes and learn from them. (I'm hoping that im really learning.. haha..)Someone says I'm unreadable. Hmmm.. I know I don't look approachable but me being unreadable, that never crossed my mind. That I can conceal my thoughts. I think I'm to moody for someone not to know what I'm thinking. I'm still puzzled on this. But one idea hit me about this, I never let people see my weak side, my other side who's longing and wanting to be understood. People see me as the tough one, someone who can came up with the brightest idea and the best solution on a given situation. Wrong!
If I'm that kind of person I'm not supposed to be hurting. I'm not supposed to feel miserably weak at some point. Darn, I'm the most undecided, confuse, shattered person I've ever known..
written Dec 27 '08 -chinkay-
Coloring Book
Pero isipin na lang natin na ganto..tayo ung huling pahina sa coloring book ng isang tao.. kahit na maraming pahina ang nadaanan nya at kinulayan.. makukulayan ka, maghintay ka lang.. pudpod man ang krayola pagdating sa'yo, pero sigurado ka naman na hindi na siya lalampas sa mga guhit mo.. at wala nang next page dahil huli ka na sa coloring book ng buhay nya..
Thinking that it would be the last coloring book of somebody's life.. That, one never gets tired of trying and finishing the coloring book.. Waiting is worth it..
Make sense..
written Dec 04 '09 -chinkay-
Chinkzssays: Mga sinasabi ng magulo at matabang utak ko..
Pakalat kalat kasemga nasusulat ko, naiisip ko tuloy isahin na lang para unti lang mayamot sa pagbabasa ng walang kabuluhan (minsan meron din naman kahit papaano) na essay/opinyon ko ung mga poems nsa isang blog ko. Karamihan dito matagal ko na naisulat.
Eto po ay laman ng utak ko, bunga ng kabagutan sa opisina, sinasabi ng isip ko habang lumalaki lalo eyebugs ko, mga kalokohan napupulot ko kung saan saan.. mga sermon at pangaral na natatagap ko dahil sa at kung ano ano pang opinyon ko sa buhay buhay.. At mga pangyayari narin sa araw araw na nakakapagtipa ko ng letra sa keyboard ko..
Sa mga babasa pagtiyagaan ninyo na lang po..
- by Shayne "chinkay" Antonio